Pamilya, komunidad at paghahardin: Sentro ng buhay ng Central Coast retiree na ito sa halos 35 taon sa Australia

Roland Blancaflor enjoys retirement through backyard gardening (right photo) and time with his family (left).

Roland Blancaflor enjoys retirement through backyard gardening (right photo) and time with his family (left). Credit: Supplied by Roland Blancaflor, Annalyn Violata

Sa halos 35 taon sa Australia umikot ang buhay ni Roland Blancaflor sa pag-aaruga sa pamilya, pagboboluntaryo sa komunidad at libangan nito na pagtatanim.


Key Points
  • Mula pagiging cleaner sa Rails NSW noong 1992, nag-aral at naging kwalipikado bilang carwagon operator, higit 27 taon na nagtrabaho si Roland Blancaflor.
  • Kasama ang kanyang misis na si Evelyn, at panganay na anak na si Ervin, magkatuwang ang mag-asawang Blancaflor sa pagtataguyod para sa kanilang pangalawang anak na may espesyal na pangangailangan.
  • Sa kanyang pagretiro mula noong kalagitnaan ng pandemya, kung hindi abala sa kanyang hilig sa photography at pagboluntaryo sa komunidad, abala ang tubong-Quezon City sa kanyang pagtatanim sa likod bahay.

PAKINGGAN ANG PODCAST
Central Coast retiree's life in Australia and his backyard gardening image

Pamilya, komunidad at paghahardin: Sentro ng buhay ng Central Coast retiree na ito sa halos 35 taon sa Australia

SBS Filipino

26:24
Nang ipetisyon ng kanyang nakababatang kapatid, dumating si Roland Blancaflor sa New South Wales noong 1991 kasama ng kanyang asawa na si Evelyn at 3-anyos na anak na si Ervin.

Inabot din ng higit isang taon bago nakahanap ng trabaho ang dating seaman at photo studio owner sa Pilipinas na si Roland.

Una itong nakapasok bilang tagalinis sa tren at kinalauna'y nag-aral at naging carwagon operator na namamahala sa pag-aayos ng preno ng mga tren.

Bagaman hindi masyadong nahirapan sa pamumuhay sa Central Coast, hindi naman naging madali ang pinagdaanan ng pamilya ni Roland lalo na nang isilang ang kanilang pangalawang anak na may special needs dahil sa umano'y developmental delay nito noong bata.
Roland Blancaflor, with his second son, Richard.
Roland Blancaflor, with his second son, Richard. Credit: Evelyn Blancaflor (Facebook)
Sa kabila ng mga hamon sa kanilang pamilya, nanatiling positibo naman sa buhay ang aktibong myembro at lider ng komunidad Pilipino sa Central Coast.

Pasalamat ito sa pamilya, mga kaibigan at komunidad na madalas na nagiging sandalan sa mga pagkakataon na kailangan ng kadamay sa mga pagsubok na kinakaharap.

"Tuloy lang ang laban para sa mga nahihirapan sa buhay. Maghanap kayo ng mga kaibigan para hindi kayo malulungkot."

Mahalaga din aniya na humanap ng mapaglilibangan kasama ng pamilya o mga kaibigan.
Roland Blancaflor with his wife, Evelyn, as they enjoy harvesting some of their veggies from their garden.
Roland Blancaflor with his wife, Evelyn, as they enjoy harvesting some of their veggies from their garden. Credit: Annalyn Violata/SBS Filipino
Kaya naman ngayon na retirado na mula nang kalagitnaan ng pandemya, patuloy sa kanyang pagboboluntaryo sa komunidad ang ama at part-time photographer.

Bukod sa pagkuha ng larawan, maraming hilig gawin si Roland, kasama ang pangingisda, pagbibisikleta at iba pa. Pero ang isa sa paborito nito ang pagtatanim.

"Hilig ko talagang magtanim. Dati pa noong nabili namin itong bahay namin noong 1998, nagsimula na akong magtanim."

Kasama sa kanyang pananim ang iba't ibang gulay tulad ng talong, ampalaya, patola, malunggay, kamote at marami pang iba.

May mga tanim din itong mga prutas gaya ng kalamansi, mangga, saging, kum quat at iba pa.
Central Coast retiree, Roland Blancaflor and his plants at his backyard.
Central Coast retiree, Roland Blancaflor and his passion of backyard planting, Credit: Annalyn Violata/SBS Filipino
"Mayroon akong tatlong puno ng kalamansi na higit 27 taon na rin mula nang itanim ko."

"Masaya ako sa pagtatanim. Nakakakain kaming mag-asawa ng mga sariwang gulay, at naibabahagi rin namin sa ilang mga kailangan o kakilala."

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share