Key Points
- Ang Report of Birth ay isang deklarasyon ng impormasyon ng kapanganakan ng isang Pilipinong sanggol o bata na nasa labas ng Pilipinas.
- Mahalaga ang pag-uulat ng kapanganak ng isang bata na may magulang na Pilipino upang mairehistro ito sa Philippine Statistics Authority.
- Maaaring gawin ang Report of Birth ilang araw matapos ng kapanganakan hanggang sa loob ng isang taon. Kung hindi ito magagawa agad, kailangang magpasa ng Affidavit of Delayed Registration of Birth.
LISTEN TO THE PODCAST

Pa'no Ba: Report of Birth for Filipinos in Australia
09:39
Maaaring gawin ang Report of Birth mula sa pagkapanganak hanggang sa loob ng isang taon.
Kapag lumagpas na ng isang taon mula ng inyong panganganak, kailangang magpasa ng Affidavit of Delayed Registration of Birth.
Ipinaliwanag ni Yolly Sta Ana, Civil Register Officer sa Philippine Consulate General sa Sydney ang kabuuang proseso at mga kailangang dokumento.