Key Points
- Ang mga dating natural born Filipinos na naging Australian citizen na ay maaring maging dual citizen sa tulong ng Republic Act. No. 9225 or the Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003. Maari itong gawin kung isa o parehong magulang ay Filipino citizen sa panahon ng kapanganakan.
- Kailangan ipadala ang Petition for Dual Citizenship Application Form at mga dokumento ng pagkakakilanlan sa Philippine Consulate Office na sumasakop sa inyong lugar o sa Philippine Embassy sa Canberra.
- Ilan sa mga benepisyo ng pagiging dual citizen ay ang karapatang bumoto sa Pilipinas at Australia, pag-access sa mga benepisyo mula sa pamahalaan, pagkakaroon ng ari-arian at pananatili ng matagal sa parehong bansa.
- Nakakatulong din sa mga atleta at nagtatanghal na gustong irepresenta ang Pilipinas sa anumang larangan ang pagkakaroon ng dual citizenship.