Halalan 2025: May mga tensyon at kaunting aberya ngunit nanatiling tahimik at maayos ayon sa COMELEC

Garcia

Commission on Elections Chairperson George Garcia engages the press at the Comelec head office Credit: PNA photo by Joyce Ann L. Rocamora

Isang araw matapos ang midterm elections sa Pilipinas, nagpapatuloy pa rin ang partial at unofficial count ng mga boto para sa pagka-senador at party-list. Ayon sa Commission on Elections, sa kabila ng ilang teknikal na problema at insidente ng karahasan, nanatiling tahimik at maayos ang halalan ngayong taon.


KEY POINTS
  • Sa senatorial race, nangunguna sa partial count sina Christopher “Bong” Go, Bam Aquino, Ronald “Bato” Dela Rosa, Erwin Tulfo, at Francis “Kiko” Pangilinan. Para naman sa party-list groups, pasok sa top five ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, 4Ps, at ACT-CIS.
  • Ayon sa COMELEC, may 311 vote-counting machines (VCMs) na kinailangang palitan dahil sa mga aberya sa pagbasa ng balota. Ilan ding poll watchers ang iniulat na lumabag sa patakaran sa pagboto, kabilang na ang reklamo sa maling pag-shade ng balota. Sa kabila nito, walang naiulat na botanteng na-disqualify o hindi nakaboto.
  • Sa seguridad, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na 4 ang nasawi at 12 ang nasugatan dahil sa election-related violence. Gayunpaman, sinabi ng COMELEC na ito ang pinakatahimik na halalan sa nakaraang tatlong eleksyon, kung saan 34 na lugar lamang ang itinuturing na high-risk areas.
  • Sa isyu ng vote buying, nakapagtala ang PNP ng 28 insidente na kinasasangkutan ng 68 indibidwal, kung saan 19 ang naaresto.
LISTEN TO THE PODCAST
PHIL ELECTION FINAL image

Philippine midterm elections 2025: Peaceful despite minor glitches says COMELEC

SBS Filipino

08:03
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share