Maaaring migrasyon ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng pabahay ngunit sinasabi ng mga eksperto na hindi ganun kadaling sabihin ito.
Ayon kay Emeritus Professor of Demography ng Australian National University na si Peter McDonald sa SBS Examines, ang pananaw na ito ay maaaring maging isang aspeto o 'pagpapalipas-panahon' lamang.
"When commentators and politicians attribute all problems in the housing market to high immigration, by definition, they're diverting attention away from the wide range of policy approaches that are required to deal with the housing crisis," sabi ni McDonald.
"It is a crisis, and it needs to be addressed. But by just saying that it's due to immigration: 'drop immigration and it's all going to go away,' well, it's not going to go away."
Ang episode ng SBS Examines na ito ay tumatalakay sa mga nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng pabahay at ang epekto ng pagsisisi sa mga migrante sa bansa tungkol sa krisis.