Pinay sa Lismore, naaalala ang takot noong 2022 flooding sa gitna ng dulot na pagbaha ni Ex-Cyclone Alfred

Flooded scenes on Woodlark st in Lismore.

Flooded scenes on Woodlark st in Lismore. Credit: AAP Image/Jason O'Brien

Bagaman bumaba na sa antas ng tropical low, nagdulot pa rin ito ng pagbaha ng mga kalsada, saradong daan, at muling pagbabalik ng trauma sa mga residente gaya ng pamilya ni Marmonie Altman.


Key Points
  • Sarado at lubog sa tubig ang mga kalsada, kaya hindi makaalis si Marmonie Altman ng kanilang bahay at hindi rin siya makapasok sa trabaho, bagaman may kuryente pa rin sa kanilang lugar.
  • Dulot ng 2022 Lismore floods, dumaan si Marmonie sa matinding depresyon at pagkabalisa, na nakaapekto sa kanyang pamilya.
  • Lumipat man sa Tatham (30 minuto ang layo sa Lismore) para sa mas ligtas na tirahan, hindi pa rin nawala ang takot sa muling pagbaha, kaya’t patuloy pa rin ang matinding pag-aalala.
PAKINGGAN ANG PODCAST:
MARMONIE ALTMAN image

Pinay sa Lismore, naaalala ang takot noong 2022 flooding sa gitna ng dulot na pagbaha ni Ex-Cyclone Alfred

SBS Filipino

10/03/202516:15
After noong 2022 Lismore flooding, na-depress ako at nagpakonsulta ako sa mental health professional. Naapektuhan din ang relasyon namin mag-asawa pati ang anak namin pero mas okay na ngayon.
Marmonie Altman, Filipino resident in Lismore, NSW
Marmo.jpg
Marmonie Altman is holding on to hope that the skies will clear and things will return to normal after the rain and flooding. Credit: Supplied

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily. 

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and  

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and

Share