Key Points
- Simula noong ika-1 ng Oktubre, 2023 aabot sa $24,505 na savings ang kailangan ng mga aplikante ng student visa sa Australia.
- Payo ng Migration Consultant na si PJ Bernardo sa mga aplikante ng student visa na mabuting maipakita ang pinansyal na kapasidad sa Australia kahit na unang taon ng pag-aaral.
- Nilinaw din ni Ginoong Bernardo na hindi imposible na kumita ang isang international student ng $100,000 kada taon pero dapat malinaw na ito ay sumusunod sa work hours limitation gayundin ang income threshold at paghain ng buwis.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino sa isang Registered Migration Agent na si PJ Bernardo, hinimay nito ang detalye ng pagbabagong ipinatupad ng gobyerno kaugnay sa kinakailangang ipon o savings ng mga aplikante ng student visa Australia.
Sinagot din ni Ginoong Bernardo ang usap-usapan sa social media sa Australia kung talagang may kakayanan ang isang international student na kumita ng $100,000 kada taon sa gitna ng 24 working hours restriction kada linggo.

Registered Migration Agent PJ Bernardo