Refugee Week: Pagkakataong maranasan at ipagdiwang ang pagkakaiba ng mga komunidad ng refugees

Refugee Week 2022

Tuần lễ Tỵ Nạn 2022 Source: RCOA

Milyun-milyong katao bawat taon ang sapilitang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan. At ngayong ginugunita ang Refugee Week dito sa Australia gustong ipaalam ng mga refugees ang kanilang nai-ambag sa Australia nagbigay sa kanila ng kanlungan at pag-asa.


Highlights
  • Ang pagiging matatag ng mga refugee ang susi ng tuluyang paggaling ng nakaraan
  • Sa nakaraang dekada, dumoble ang bilang nga mga taong lumikas mula sa kanilang tahanan mula 41 milyon ngayon nasa 82.4 milyon katao
  • RCOA hinihikat ang gobeyrno ng Australia na dagdagan ang tatanggaping refugees sa ilalim ng Humanitarian Program
Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Refugee Week: an opportunity to experience and celebrate diversity of refugee communities image

Refugee Week: an opportunity to experience and celebrate diversity of refugee communities

SBS Filipino

16/06/202208:57
Taong 1986 ng unang ipinagdiwang ang Refugee Week sa Australia na inorganisa ng Auscare.

Sa kasunod na taon kasama ang Refugee Council of Australia at naging pambansang pagdiriwang ito sa sumunod na taon  hanggang  2004.


 

 

Ayon kay Adama Kamara, RCOA’s Deputy Chief Executive Officer, layunin ng Refugee Week  na ipagdiwang  ang natatanging kontribustion ng mga refugee sa komunida ng Australia.

“ Ito's isang pagkakataon na maipakita ng mga komunidad ng refugees ang kanilang naiambag sa Australia. Gusto din iparating sa lahat na magiging kanlungan ang kanilang sariling komunidad sa nangangailangan.

Para magkaintindihan ang bawat komunidad ng refugees at ng non-refugees ang bawat isa, at magka-isa." 

Iba-iba ang tema bawat taon sa pagdiriwang, para maging malinaw sa lahat  ang mga isyu  na nakapalibot sa mga refugee hindi lang dito sa bansa pati sa buong mundo.
Adama Kamara, Deputy CEO of Refugee Council of Australia
Adama Kamara, Deputy CEO of Refugee Council of Australia Source: RCOA
Sa paraang ito, ay maunawaan ang bawat isa ang tunay na kahulugan ng pagiging refugee.

“Ang tema ngayong taon ay "Healing o Paggaling" at ito ay ang pagbabalik-tanaw sa isang taong nagdaan na puno ng hamon ng buong mundo, dahil sa COVID.  Ang pandemya nagbigay daan para magka-isa at magtulungan."

Si Oliver Slewa  na isang Sydney-based lawyer at  isa sa mga kasalukuyang Refugee Week ambassadors.

Galing ito sa  isang Assyrian na pamilya mula Iraq  at  kinakailangang bumyahe mula Jordan, Turkey hanggang Greece  bago makarating dito sa Australia taong 1994.

Kwento nito hindi madaling makalimutang ang nakaraan subalit posibleng maghilum ang lahat kapag nasimulan na ang tinatawag na ‘settlement journey’.

“ Malinaw pa sa aking isipan ang aming paglikas sakay ng barko, traumatic sya. Iniwan namin ang aming magulong lugar at hindi yong madaling makalimutan pero pagtungtong dito sa Australia, nagsimulang maghilum ang lahat."

Ang tema na 'Healing o Paggaling'  ay naghihikayat  sa lahat hindi lang ang mga refugee na damayan sila sa kanilang hinaharap para tuluyang gumaling at matutunang harapin ang bukas.
Oliver Slewa, lawyer and Refugee Council of Australia ambassador
Oliver Slewa, lawyer and Refugee Council of Australia ambassador Source: RCOA
At sabi ni Slewa ang pag-kwento o pakikipag-usap sa iba ay unang hakbang tungo sa paggaling.

“Naniniwala ako na kapag nagsimula kang magkwento sa iba ng iyong sariling estorya, nakakatulong sya sa paghilum ng sugat. At ang kanilang pag-unawa at pagtanggap  nakakatulong sa paggaling ng bawat isa.

At kailangan din maging matatag para sa iyong bagong buhay at para simulang harapin ang bukas."

Marami ang kaganapang inihahatid ng Refugee Council of Australia sa buong pagdiriwang nga Refugee Week. Isa na dito ang , ito ay isang pagtatanghal  at workshop.

Dito ibinabahagi ng mga refugee ang kanilang karanasan at paglalakbay hanggang makarating sa bansang naging kanilang kanlungan.

Ito ay isang pambihirang pagkakataon para matutunan ng mga mag-aaral ang kanilang buhay bilang mga refugee at ang kanilang nai-ambag sa bansang Australia. Kaya itinuturing ng mga refugee na mahalaga ang programa.

“ Dito maririnig natin ang mga matagumpay na kwento ng mga refugees at ang kanilang mga nai-ambag sa dito sa komunidad ng Australia."

Ang mga pagtatanghal ay sadyang ginawa para sa mga mag-aaral sa elementarya, high school, mga guro at buong komunidad.
Face-to-Face program during Refugee Week
Face-to-Face program during Refugee Week Source: RCOA
Gusto din ng CEO na si Kamara na sa pamamagitan nga pagtatanghal  at ibang programa ay malinawan ang mga alamat at ibang paniniwala tungkol sa mga refugee.

“Ang mga resources na naglalaman ng mga imporamsyon ay nagiging susi para mabuksan ang mga pag-iisp at puso ng bawat isa para malaman ang katotohanan tungkol sa mga refugees."

Ayon sa Red Cross 1 sa 95 katao ang sapilitang lumilikas ng kanilang tahanan, tumaas ito sa bilang noon na 1 sa bawat 159 katao noong 2010.

Dahil dito laki ng pandaigdigang mga paglikas lumampas na ang  bilang ng populasyon.

Kaya hinihikayat ni Ms Kamara ang  gobyerno na taasan ang bilang ng mga papapasuking refugee sa bansa sa ilalim ng Humanitarian Program.

“Sa kasalukuyan mayroong 13,750 katao ang maaaring dumating dito sa pamamagitan ng Humanitarian Program kada taon at naniniwala ako mas mataas pa ang bilang na dumadating na aabot sa 20,000 katao. At hiling namin taasan pa ang tatanggapin ng gobyerno ngayon"

Dagdag ni Ms Kamara hinihiling din nila sa gobyerno na ayusin na ang mga papel ng mga  refugee at asylum seekers na nasa Temporary Protection Visa.

Dahil naniniwala ito na ngayon ay isang malaking pagkakataon na ipakita ng  gobyerno ang kanilang pagmamalasakit sa mga refugee.

“Sa ngayon marami ang nasa  temporary protection visas at safe-haven enterprise visas, ang visa na ito na napatunayan na sila ay mga  naghahanap ng kanlungan. Subalit dahil sakay sila ng barko sabi ng gobyerno ng Australia hindi sila maaaring manatili dito ng permanente.

Kaya ang kanilang visa ay 3 hanggang 5 taon  at hindi nila alam kung  mananatili ba sila  o paalisin ng bansa. Hiling namin na sana'y mahabag ang gobyerno sa mga refugees at kung pumayag sila kasi iba sa kanila ay 10 taon na at mananatili na sila."

Bilang isang Refugee Council of Australia ambassador sabi ni Oliver Slewa, ikinararangal nyang tawaging isang refugee noon hanggang ngayon.

Kaya kahit sa pagpili ng kanyang papasuking karera gusto nitong maibalik sa komunidad at tulungan ang mga tulad nyang refugees  na mamuhay nag maayos dito sa Australia na nabigay sa kanila nag pag-asa.

“At ang pangarap kung ito na maging abogado ay para makatulong sa iba na nahihirapan, mga naghihintay ng ilang taon ng walang kaseguruhan kung makakarating ba sa Australia o lumipat ng ibang bansa o manatili sa Australia bilang asylum seekers. Gusto kong ibalik ang serbisyo sa makatong pamamaraan at legal na aspeto."   

Ang Refugee Weeks sa Australia ay gaganapin sa ika-19 ng Hunyo hanggang 25 ng Hunyo 2022. Gugunitain din ang  sa 20 Hunyo.

Para sa karagdagang impormasyon  tungkol sa Refugee Week, bisitahin ang  


Share