SBS 50 and beyond: Patuloy na serbisyo ng pamamahayag para sa multikultural na komunidad ng Australia kabilang ang mga Pilipino

SBS Filipino team

SBS in its 50 years continues to broadcast in over 60 languages, including Filipino, to provide information, education and entertainment to the diverse community of Australia. Credit: SBS Filipino

May 50 taon na mula nang unang pagsasahimpapawid ng broadcasting network na kilala ngayon bilang Special Broadcasting Service (SBS). Pero paano nga ba nagsimula ang itinuturing na ‘pinaka-multikultural na public broadcaster’ sa Australia at sa mundo, anong mga hamon ang hinarap nito upang maitaguyod ang iba’t ibang mga wika kasama ang programang Pilipino.


Key Points
  • Taong 1995 nang magsimula ang SBS sa pamamagitan ng dalawang Ethnic Australia (EA) station - ang 2EA sa Sydney at 3EA sa Melbourne. Sa una'y para ipabatid sa mga Australian na may iba't ibang wika ang tungkol sa Medicare, bagong healthcare system ng Australia.
  • Sa kasalukuyan ang mga programa sa radyo ng SBS ay sumasahimpapawid sa higit sa 60 wika kasama ang Chinese, Hindi, Filipino, Vietnamese, Korean at marami pang iba.
  • Kasabay ng pagbabago ng panahon, bukod sa radyo masusubaybayan na rin ang mga balita sa online, sa mobile sa pamamagitan ng SBS Audio app, at sa social media tulad ng Facebook at Instagram.
  • Mahalagang papel ang ginagampanan ng SBS sa pagkonekta sa iba't ibang komunidad sa Australia.
LISTEN TO THE PODCAST
SBS 50 and beyond: A commitment to continue serving multicultural Australia through broadcasting image

'We feel connected to our roots’: Filipinos tune in to SBS as the multicultural broadcaster remains dedicated to serving Australia's diverse community

SBS Filipino

12/02/202524:39

Share