SBS Examines: Ano ang Stolen Generations?

Lorraine Darcy Peeters at the former site of the Cootamundra Aboriginal Girls Home

Lorraine Darcy Peeters is a Stolen Generations Survivor and was trained as a servant at Cootamundra Domestic Training home for Aboriginal Girls. Credit: Sarah Collard: NITV News

Mula kalagitnaan ng 1800 hanggang 1970, ang mga batang Indigenous ay sapilitang inalis mula sa kanilang mga pamilya. Ano na ba ang nangyari sa mga batang ito at ano ang epekto ng Stolen Generations hanggang sa kasalukuyang panahon?


Babala: Sensitibong ulat

Si Aunty Lorraine ay apat na taong gulang nang siya ay kinuha mula sa Brewarrina Mission sa hilagang bahagi ng New South Wales.

"On arrival, whatever clothing you were wearing, they threw it away, to be burned. Then they deloused you with chemicals . . . your hair was shaven. You were given a job, a religion, a bed," sabi niya.

"Punishment was automatic if you forgot to be white . . . our mantra was to be white, speak white, dress white and act white.

"We couldn’t even talk about being an Aboriginal person. You take that as a four-year-old being brainwashed that, you soon forget Aboriginal ways and learnt white ways."
Aunty Lorraine Peeters at Cootamundra Girls Home..jpg
Aunty Lorraine Peeters at the Cootamundra Girls Home. Source: Supplied / The Peeters Family
Noong 2008, si Aunty Lorraine ay umupo sa Parliament House sa Canberra at nasaksihan ang pahayag ni Punong Ministro Kevin Rudd tungkol sa National Apology para sa Stolen Generations.

Pinili siya ng isang grupo ng mga nakaligtas mula sa Stolen Generations upang ibigay sa niya sa lider ng Oposisyon ang isang salamin na Coolamon, isang simbolo ng kanilang pag-asa para sa isang bagong ugnayan.

"I've never forgotten that day," saad ni Aunty Lorraine.

"What I got out of the apology for me was not for myself, but it was or my parents. He said sorry to my parents."
LISTEN TO
SBS Examines - Stolen Generations 1302 image

SBS Examines: Ano ang Stolen Generations?

SBS Filipino

12/02/202508:35
Si Shannan Dodson, isang babae mula sa Yawuru at CEO ng Healing Foundation, ang pambansang ahensya para sa mga nakaligtas ng Stolen Generations, ay nagsabi na ang paghingi ng paumanhin ay isang mahalagang kaganapan.

"It was really the first public and national acknowledgement, outside of the Bringing Them Home Report, of the suffering of survivors and the experiences they lived through," she said.

Sa episode na ito, tinatalakay ng SBS Examines ang National Apology sa Stolen Generations at inaalala ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng Australia.

Kung ang episode na ito ay nagdulot ng kalungkutan o abala sa iyo o sa isang kakilala, maaari kang tumawag sa Lifeline sa 13 11 14 o ang Aboriginal at Torres Strait Islander crisis support line 13YARN sa 13 92 76.

Share