Sitwasyon ng mga Filipino international student matapos ibalik ang working hour restriction

Glerose Tadifa at work

Credit: Glerose Tadifa

Humaharap sa hamon at pag-aalinlangan ang ilang Filipino international student matapos ang kamakailang pagbabalik ng paghihigpit sa oras ng trabaho, kung saan karamihan sa mga student visa holders ay hanggang 48 oras na lang ang maaring magtrabaho kada dalawang linggo. Ito ay kasabay rin ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing gastusin. Si Glerose Tadifa, na nag-iwan ng kanyang propesyon sa Pilipinas para sa Australia, ngayon ay nagdadalawang isip kung kakayanin pa ba niyang ipagpatuloy ang kanyang pinapangarap na buhay sa Australia.


Key Points
  • Nahaharap sa panibagong hamon ang mga Filipino international student sa Australia dahil sa kasalukuyang working hour restriction
  • Napapa-isip si Glerose Tadifa kung tama bang iniwanan niya ang maayos niyang trabaho sa Pilipinas dahil limitado nalang ngayon ang kanyang kita at hindi pa sapat para sa mga pangunahing gastusin
  • Apektado rin ang ilang mga negosyo sa Australia dahil karamihan sa mga empleyado ng mga ito ay mga international student
LISTEN TO
Struggles of Filipino International Students in Australia Amidst Work Hour Restrictions image

Struggles of Filipino international students in Australia amidst work hour restrictions

SBS Filipino

08:46

Share