Key Points
- Simula sa 01 Hulyo 2024, ang mga may hawak ng Visitor Visa at Temporary Graduate Visa ay hindi na maaaring mag-apply para sa Student Visas onshore o habang nasa loob ng Australia.
- Ayon sa pahayag ni Home Affairs Minister Clare O’Neil, ang "visitor to student pathway" ay nagiging mas karaniwan, na may mahigit 36,000 aplikasyon mula 1 Hulyo 2023 hanggang katapusan ng Mayo 2024.
- Sabi ni Ms. O'Neil, ang pagbabago ay naglalayong bawasan ang bilang ng mga tao na malamang na maging "permanently temporary".
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., ipinaliwanag ng Registered Migration Agent na si Em Tanag ang pagbabago at ano ang epekto sa mga aplikante ng pagpapatupad ng polisang lahat ng may hawak ng Visitor Visa at Temporary Graduate Visa ay hindi na maaaring mag-apply para sa Student Visas onshore o habang nasa loob ng Australia.
Bridges Immigration Law Solutions Registered Migration Agent Em Tanag