Ang El Niño at La Niña ay natural na pangyayari sa panahon sa buong mundo. Ang La Niña ay nagdadala ng ng mas maraming ulan kaysa pangkaraniwang panahon partikular na ang mga rehiyon na nasa silangan at hilagang bahagi ng Australia, na nagiging sanhi ng maraming pagbaha. Tag-tuyot o kakulangan naman sa pag-ulan ang El Niño.
Ayon kay Professor Scott Power, Director ng Centre for Applied Climate Sciences sa University of Southern Queensland. Ang mga ito bahagi ng natural cycle sa tinanguriang El Niño-Southern Oscillation o ENSO.
Highlights
- nangyayari ang El Niño at La Niña kapag may pagbabago sa panahon mula sa normal nitong estado sa mga lugar na nasa itaas na bahagi ng Pacific Ocean.
- Ang Australian Bureau of Meteorology (BOM) ang ahensya na sumusubaybay at nag-uulat a mga naabot ng ENSO indicators.
- The Indian Ocean Dipole (IOD), another climate phenomenon that influences rainfall patterns around the Indian Ocean, including Australia.
Makinig sa podcast
LISTEN TO

What are the climate drivers that shape Australia’s weather?
SBS Filipino
09:30
“Ang El Niño–Southern Oscillation (ENSO) ay ginagamit ng mga scientist sa climate system n El Nino, La Nina at ang pangatlong yutgto ay ang Neutral, kung saan normal lang ang kalagayan ng panahon."
Dagdag ni Power, na isa ding Professor sa School of Earth, Atmosphere and Environment sa Monash University, nangyayari ang El Niño at La Niña kapag may pagbabago sa panahon mula sa normal nitong estado sa mga lugar na nasa itaas na bahagi ng Pacific Ocean.
“Sa “El Niño”, ang karagatan sa central at eatern Pacific ay umiinit kaya baghayng malamig sa hilagang bahagi ng Australia at South Australia. At tinataboy ng hangin ang palayo sa mga lugar kaya walang ulan sa mga lugar."
Kabaliktaran naman ang nangyayari sa panahon ng La Niña.
“Ang La Niña, umiinit ang tubig sa karagatan sa hilagang bahagi ng Australia at Southeast Asia, at nag-hinuhugot nito ang ulan. At kapang umiinit ang karagatan tumataas ang lebel, kaya maulan, mataas ang lebel ang tubig dagat at mababa ang temperatura."
“Neutral” naman ang tawag kapag ang Equatorial Pacific Sea Surface Temperatures (SST) ay malapit na sa average na lebel.
Pero may pagkakataon naman na ang karagatan ay parang nasa estado ng El Niño o La Niña subalit walang reaksyon ang mula sa kapaligiran o vice versa.
Dahil ang ENSO ay may kasamang interaction sa pagitan ng karagatan at kapaligiran. Pinapalakas naman nito ang nalilikhang pagbabago sa bawat isa na kung saan tinatawag na ocean–atmosphere phenomenon.
“Kapag umiinit kahit kaunta ang kanlurang Pasipiko, sanhi ito ng paglakas ng hangin at ang hangin na yon ang tumutulak para mainit na tubig pakanluran. Ito ang pwersa na naging sanhi ng La Nina at El Nino."
Subalit sabi ni Professor Power, hindi permanente na ganito ang pattern na nangyayari.
“Ang totoo minsan ngayong taon, El Nino at sa sususnod na taon La NIna o kaya neutral lang o bumabalik si La Nina. At ang bawat yugto ng pangyayari ay karaniwang tumatagal ng 12 buwan o higit pa, o kaya maiksi lang na panahon."
Dagdag nito nangyayari lang ang ganitong pagkakataon dahil ang panahon sa tropiko ay pabago-bago.
" Ang nangyayari kadalawan isang beses magkakaroon ng El Nino sa apat na taon , ganun din ang La Nina, at dalalwang beses sa beses sa apat na taon nararanasan ang neutral na panahon."
Dito sa bansa, ang Australian Bureau of Meteorology o BOM ang sumusubaybay at nag-uulat sa mga naabot ng ENSO indicators.
Kabilang sa kanilang sinusubaybayan ay ang biglang pagbuhos ng ulan, temperatura ng tubig sa ilalim at ibabaw ng dagat, ang init ng karagatan, ang Southern Oscillation Index, air pressure sa kapaligiran, mga ulap at ang lakas ng hangin sa dagat.
Tanung tuloy ng marami ano at gaano kahalaga ang Southern Oscillation Index?
Ayon kay Dr Lynette Bettio ang senior climatologist sa Operational Climate Services team ng BOM. Ang Southern Oscillation Index ang sukatan sa deperensya ng air pressure sa ibabaw sa pagitan ng Tahiti at Darwin.
" Ang Southern Oscillation Index ay ang atmospheric na bahagi ng El Nino and La Nina phenomenon. Ang ENSO naman ay nagbibigay indikasyon na dapat ang temperatura ng dagat at kapaligiran ay nagiging konektado, para mabuo ang EL Nino at La Nina, makaka-apekto ito sa dami ng ulan sa Australia."
Kadalasan ang matinding tag-tuyot na nararanasan sa bansa ay sanhi ng El Niño subalit maraming dahilan ang nagpapatindi ng ganitong pangyayari.
Kagaya ng nangyaring matinding tag-tuyo na sanhi ng bushfires noong 2019 dito sa Australia ay pinatindi ng The Indian Ocean Dipole o IOD, na isa ding climate phenomenon na may epekto sa pattern ng pag-ulan sa paligid ng Indian Ocean, kabilang ang Australia.
May tatlong yugto ang IOD, may positive, negative, at neutral. At sa pangkaraniwang pagkakataon, bawat yugto ay tumatagal ng tatlo hanggang limang taon.
Paliwanag ni Agus Santoso, ang senior research associate sa Climate Change Research Centre, at isang CSIRO science leader.
Ang negative Indian Ocean Dipole ay maghahatid ng mas maraming ulan.
“Ang Indian Ocean Dipole ay isang climate phenomenon na katulad ng ENSO pero nangyayari sa Indian ocean. Kapag positive Indian Ocean Dipole magdadala ng may mas tuyong panahon sa timog-silangan ng Australia."
Ang Southern Annular Mode naman na climate driver ay mahalaga para sa pagdala ng ulan dito sa bansa lalo na sa katimugang bahagi ng Australia, tinatawag din itong Antarctic Oscillation.
“Ang Southern annular mode ay isang atmospheric condition kung saan kinokontrol nito ang galaw ng hangin sa Southern Ocean, gaya ng bagyo sa katimugang bahagi ng Australia tulad ng Tasmania."
" Kapag positibo ang Southern Annular Mode, tutulak pa-timog ang hangin kaya ang katimugang bahagi ng Australia ay hindi uulanin, pero magdadala ito ng hangin sa silangana ng Australia kaya uulanin."
At kapag pinagsama-sama ito sa La Nina, magdadala ito mas malalakas na pag-ulan.
Subalit pinapaunawa ni Dr. Power, dapat isaalang-alang ang epekto ng climate change at ang mga climate drivers na ito, ang syang may dalang epekto ng panahon dito sa Australia.
“Maliban sa natural na pangyayari ng El Nino Southern oscillation, apektado din ng climate change ang panahon ngbansa. At kapag ang lahat ng ito ay gagalaw, magkakaroon ng mas mahabang tag-tuyot at magdudulo ito ng mas mahabang panahon na tataas ang lebel ng tubig sa dagat."
"Kaya hindi lang natural na phenomenon ang nakakaka-epekto sa panahon ng Australia, kasama din ang climate change na tao din ang may gawa," dagdag ni Dr. Power.