Alamin kung ano ang ATAR at ang halaga nito sa mga estudyante

Science class – credit: Getty Images/SDI productions

Science class – credit: Getty Images/SDI productions Source: Getty Images/SDI productions

Ang Australian Tertiary Admission Rank o ATAR ay may mahalagang papel na ginagampanan para sa mga Year 11 at Year 12 na gustong ipagpatuloy ang mas mataas na antas sa pag-aaral. Stardard measure ito para sukatin ang buong academic achievement ng mga mag-aaral sa kanilang age group at sa pamamagitan nito malalaman kung sino ang makapasok sa university.


Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
What is ATAR and why is it important? image

What is ATAR and why is it important?

SBS Filipino

07:05
Ang bawat estado at teritoryo ng bansang Australia ay may sariling sistema ng edukasyon.

Ayon kay Kim Paino na isang General Manager ng Marketing and Engagement sa Universities Admission Centre o UAC, ang bawat estado ay may university admission centre na syang responsable sa pagkalkula ng Australian Tertiary Admission Rank o ATAR mula sa kabuuang marka na top ten scoring units ng isang mag-aaral.


Highlights

  • Sa pagkalkula ng ATAR, ang university admission centres ay isinaalang -alang  kung paano ginampanan ng mga mag-aaral ang kanilang pasulit o school assessment na may kwenta sa ATAR sa Year 11 at Year 12.
  • Ang ATAR rank results ay nasa percentile rank na 2000 points scale mula 99.95 pababa sa zero.
  • Ilan sa mga universities ay may mga alok na paraan o back doors para makuha ang gustong kurso sa university.

 

“Ang pinakamahalagang katangian ng ATAR  ay ang ranggo  o antas , hindi score o marka, sinusukat kasi dito kung gaano ka kagaling sa kauri mong estudyante o ka-age group mo at mahalaga ito para makapasok sa university."

Sa estado ng Victoria, para eligible na makakuha ng ATAR, dapat ang mga estudyante ay makakuha ng Victorian Certificate of Education o VCE; sa Tasmania, ang ATAR ay makukuha base sa score ng Tertiary Entrance o TE  ng mag-aaral.

Habang sa New South Wales, ang UAC ang magbibigay ng ATAR sa mga tapos na sa Higher School Certificate  o HSC.

Dagdag ni Paino, kahit  may sariling kwalipikasyon at sistema ng secondary education ang bawat estado  at  pati sa  nagkalkula ng ATAR ng kanilang mga estudyante , mayroon pa ding tamang pamamaraan para maaring maililipat ang ATAR at magamit sa ibang estado at teritoryo.

“Kapag naka-kuha ka ng ATAR na 70 sa NSW, pero mag-aaral ka sa University sa  Melbourne, maaring makapag-apply sa Uni sa Melbourne kahit kinalkula ang iyong ATAR sa NSW. So pwede mailipat  interstate."

Paliwanag pa nito sa pagkalkula ng ATAR, isinaalng -alang ng university admission centres kung ano ang kinalabasan ng exam o school assessment ng mga mag-aaral  sa kanilang Year 11 at year 12.

“ Sa NSW, may pakinabang din ang marka ng mga estudyantesa kanilang pagtatapos sa Year 12. Hindi lang namin agad magamit ang marka nila para makagawa ng ATAR kasi iba iba ang kanilang kinuhang subject."

Ang UAC ay may ibang eligibility requirement din  para makuha ang ATAR.

“ Sa NSW, kailangan nakuha nila minimum 2 unit ng English. Sa ibang estado hindi compulsory ang English, kailangan lang tapusin ang mag ito na mataas ang marka sa 10  units. Pero sa NSW, mataas man ang marka o hindi kasama ito sa 10 units."

Ang  inang taga-Sydney na si  Nicole Lenoir-Jourdan ikinuwento ang  pinagdaanan ng kanyang anak at mga kaibigan nung magtatapos na sila sa Year 12 ilang taon na ang nakalipas.

“Maraming estudyante na talagang iniisip na ang ATAR ay susi para sa kanilang pangarap na kurso. Kaya maraming mga mag-aaral ang kumukuha ng subjects kahit hindi nila gusto, gaya ng physics, maths dahil alam nila na may kwenta ito sa pagkuha ng kanilang gustong kurso sa uni."

Kapag pangarap na makapasok sa university ang mga secondary students  dapat ang ATAR ay nasa 70.00.

“ATAR hindi lang rank kung hindi representation ng buong age group. At transferable kasi ito sa buong bansa, ibig sabihin  representation mo compared sa buong ka-aged group mo."

Ang ATAR rank results ay nasa percentile rank na 2000 points scale mula 99.95 pababa sa 0.00.

At kapag nakakuha ng 80.00 na ATAR, nangangahulugan lang na ang mag-aaral ay nasa top 20 per cent sa lahat ng mga estudyante sa Year 12 na age group.

Ayon kay  Ms. Lenoir-Jourdan na kasalukuyang tinatapos ang Master of  Teaching sa University of New South Wales, ang paraan sa pagkalkula ng ATAR ay hirap maintindihan.

“ Kung paano kinakalkula ang ATAR,tinanong ko ang mga kasamahan kong teachers sabi nila malabo  pero ang totoo napaka-complicated."

Para makakuha ang ATAR  ang mga eligible na mga mag-aaral kailangan magparehistro online.

“ Para sa mga Year 12, mabilis lang ang pag-apply dahil may data na kami. Dapat lang isulat ang kanilang student number , fill-in ang kurso na gustong kunin at magbayad sa application fee."

Dagdag ni Nicole Lenoir-Jourdan ang  paparating na final exam nilang mga magtatapos sa high school ay grabe ang nararamdamang stress, lalo na kapag gustong makakuha ng pinakamataas na marka.

Pahabol pa nito may mga unibersidad din na nag-aalok ng alternatibong paraan, gaya ng early entry scheme o paglipat mula sa isang unibersidad o sa isang kurso  hanggang sa makuha ang gustong kurso sa pagtatapos ng unang taon sa uni.

“Palaging may  back doors o paraan. Kung hindi mo nakuha ang marka para makapasok sa pagdodoktor,  pero gusto mong pumasok dun maari kang kumuha ng science degree, gawin mong maayos at saka magtransafer sa medicine. Ibig sabihin mag research talaga kung ano ang mga ibang paraan o back doors para makapasok at huwag sumuko."

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ATAR  at kung paano ang proseso sa scaling na babagay sa  mag-aaral.  Makipagtulungan sa university admission centre sa inyong estado o kaya bisitahin ang kanilang website.

 


Share