Sino ang maaring maging jury at ano ang tungkulin nito?

Juries are a key part of the Australian legal system.

Juries are a key part of the Australian legal system. Source: Getty Images

Ang bawat Australian citizen na nasa tamang edad para bumoto ay maaring tawagin para maglingkod bilang kasapi sa jury o tagahatol. Pero ano nga ba ang kwalipikasyon para maging jury at ano ginagampanang responsibilidad nito sa lipunan?


Highlights
  • Ang Juries sa Australia ay ginagamit para sa partikular na kasong dinidinig
  • Ang mga botante sa Australia ay mga kandidato para maging Jury
  • Kung maging juror ang paglilingkod bawat araw ay may bayad
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
What is Jury Duty, and who can be summoned for it? image

What is Jury Duty, and who can be summoned for it?

SBS Filipino

09:24
Ang juries o mga tagahatol ay may  mahalagang papel  sa Australian legal system.

Bilang isang Australian citizen kasama na ito sa responsibilidad, bilang isang  mamamayan na maglingkod kapag tinawag na maging jury at kapag tumanggi  may kaakibat na multa.

Ayon kay Dr Andrew Burke na isang  Lecturer sa Macquarie Law School at Director ng Juris Doctor.


 

 

Ang pagsang-ayon sa tawag na ito ay nagbibigay pagkakataon sa mga mamamayan sa lipunan o komunidad na maging bahagi sa pamamahala ng katarugang o hustisya.

"Ang pagiging Juries ay paraan para makapaglingkod sa lipunan  sa larangan ng hudikatura. Ibig sabihin bahagi na ng pagiging demokrasya  ng bansa. 12 ang karaniwang juries ang kailangan para dinggin ang kaso."

Ayon naman kay Jacqui Horan isang  Associate Professor at the Faculty of Law sa Monash University ang juries dito sa bansa ay ginagamit sa mga  partikular na klase ng paglilitis ng kaso.

" Gumagamit ng juries dito sa Australia para sa mga malalaki at kontroberysyal na mga kaso. Kasama dito ang paglilitis sa kasong pagpatay, sekswal na pang-aabuso at  pagdinig sa mga armed robbery na kaso."

Sabi ni Mark Nolan ang  Director ng Centre for Law and Justice sa Charles Sturt University, silang mga kandidato sa pagka-jury ay pinipili mula sa mga bumuto sa eleksyon..

"Karaniwang nakakatanggap ng sulat ang isang tinatawag para maglingkod bilang jury. At kailangan i-fill out ang mga impormasyon na nakikita sa kanilang website. Dapat ding mahusay sa wikang English."

Dagdag nito kadalasan ang jury ay may labing dalawang juror pero minsan, mas mababa ang kanilang bilang subalit dapat  tandaan  bawat estado at teritoryo sa Australia ay may iba’t-ibang batas ukol sa kanilang tungkulin.

" Sa malalaking kaso gaya ng pagpatay, iba iba ang bilang ng jurors, pero karaniwan sa mga ibang estado 12.  Sa ibang lugar sa Australia may jury sa mga civil na kaso, at minsa may juror na 6 lang ."

Paliwanag ni Dr Burke,  may mga pagkakataon naman na ang isang tinawag na mapabilang sa jury, ay ma-exempt kagaya nalang kung ito ay single parent  at may maliliit na mga anak, o kaya ay may iniintinding negosyo na pwedeng ma-apektuhan kapag hindi na ito ang mamamahala.

"Maaring exempted silang mga abogado, may mga importanteng propisyon gaya ng emergency doctor, nurse  lalo na ngayong pandemic ay maaring hindi maging juror."

Ang mga may problema sa pandinig at may mga malalang sakit , mga nag-aalaga ngmatatanda  at hindi maaring maiwan, maari ding ma-exempt bilang jury.

Dagdag ni Dr Burke dapat tandaan ng isang juror na kapag hindi maaring magtagal sa mahabang paglilitis dapat ipa-alam ito sa mas nakakataas  bago magsimula ang proseso ng paglilitis.

" Bago magsimula ang pagdinig may gagawing pagpupulong ang Judge kasama ang  jurors, tungkol sa kaso at sinasakdal pati mga ebidensya.  Ang hindi kayang gawin ang tungkulin dapat ipaalam agad bago magsimula."

Dahil sabi nito kapag nakapagsimula na ang paglilitis dapat dinggin  ito ng buo lalo na ang mga inilabas na ebidensya.

" Ang mga Jury ay dapat naroon sa loob  ng korte sa paglalahad ng mga ebidensya pero sa panahon ng pagdebate patungkol sa batas, nasa labas sila ng korte, kapag tapos na ang debate, pwede na sila bumalik para sa hatol kasama ang Judge."

Kapag kasapi na bilang juror, sabi ni Dr. Horan, mahigpit ang bilin para sa lahat huwag ikwento sa iba ang hinahawakang kaso  o kaya maghanap ng ibang impormasyon sa online.

Kadalasan umaabot sa pitong araw  hanggang labing dalawang araw ang paglilitis  pero kapag mas kritikal ang kaso gaya ng inakusahang terorista maaring humaba ang pagdinig ng ilang buwan, hanggang taon ang bibilangin.

Kaya bago ang simula ang paglilitis, inaalam na ng mga nakakataas ang  iskedyul ng bawat juror  para sa mga mahahabang  pagdinig.

" Kapag tapos na inilahad ang lahat ng ebidensya, magkakaroon ng deliberasyon o pag-aaral sa lahat ng angulo ng ebidensya at kaso. Matagalan ito dahil kailangan pag-aralan lahat ng juror, bago ang  hatol"

At saad ni Dr Horan  dapat ang hatol o pasya ng mga jury  ay unanimous o sa ibang pagkakataon ay 11 to 1  ang pasya.

" Dito sa Australia karaniwang nasa 12 ang juror sa malalaking kaso gaya ng pagpaty , minsan may 11  o 12 ang dapat na maging isa ang ilalabas na hatol para matanggap ng Judge.

Subalit kapag hindi unanimous o hindi magkasundo ng hatol ang mga jury sabi ni Dr. Burke.

" Kapag ang mga Jury ay hindi nagkasundo o hindi iisa ang kanilang hatol tinatawag itong "hung jury"  11-1 ang hatol.Kaya gagawin muli ang pagdinig sa kaso  pero ibang jury na ang hahawak ng kaso."

Pahabol ni Dr Horan, ang pagsisilbi bilang juror ay may bayad.

" Dapat babayaran ka para jury service mo  equivalent sa sahod mo kapag nagtatrabaho ka. Ang bawat estado at teritoryo ay nagbibigay ng pera  bawat araw a kapag mababa ang amo mo ang magbabayad ng kulang."

Samantala sabi ni Dr Horan,  hindi maitatanggi karamihan sa mga tao sa komunidad ay may duda o  may pag-aalala  sa paglilingkod bilang jury, subalit  anito, silang mga tapos ng naging juror ay nagsabing ito ang pinakamahalagang karanasan na nangyari sa kanilang buhay. 

"Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na gawin ang trabaho ng iba at maranasan ang trabaho at kung paano ang legal system ng bansa gumagalaw. Kaya karamihan sa naging jury ay masaya dahil naranasan nila ang di pangkaraniwang paglilingkod sa komunidad."

 


Share