Isang-daang porsiyento, ang paglalaro ng basketball ay tulad ng pag-eehersisyo at tumutulong sa iyo na mapanatiling angkop ang pangangatawan.
Ngunit, bukod sa pisikal na mga benepisyo ng paglalaro ng basketball, nagdudulot ito ng kaliwanagan sa isip ng isang tao, sabi ni Jhon Yu na bata pa lamang ay naglalaro na ng basketball.
"I play basketball 'cause it clears my mind. Since I was a kid I've always loved basketball. Just shooting the ball, it makes me relax, it clears my mind and if I have too much in my mind, I just pick up a ball and start playing basketball," pagbabahagi ng binata mula Cebu.
Mahusay din itong therapy para sa maraming tao. "Sometimes, it helps people stay away from bad things. Like for me, if I'm frustrated at home, sometimes i-basketball ko na lang ito, so mawawala ('yung frustration)," pagbibigay-puntos ni Niño Luna, coach ng Old School basketball team, isa sa mga regular na koponang Filipino na naglalaro sa Western Sydney Basketball Association.
![Filipino basketball](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/2355baf6-42e1-44f6-9f1f-faf9736c80b9.jpeg?imwidth=1280)
Old School basketball team’s coach Niño Luna (left) and team player Jhon Yu (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Ang basketball ay magpapanatili sa'yo na magpatuloy at isang inspirasyon upang ikaw ay maging kompetibo rin. Marami itong pakinabang upang makakilala ka ng maraming tao at makapag-network.
"I'm pretty sure as well that new Filipinos arriving, say, in Sydney, the one of the first things that they will look for is basketball, 'cause they want to meet fellow Filipinos and make new friends," dagdag ni Luna.
![Filipino basketball](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/old_school_6_1.jpg?imwidth=1280)
Old School Elite team took the Season 10 Western Sydney Basketball Association Division 2 championship in February (Supplied) Source: Supplied by N Luna
Ngunit hindi lahat ay tungkol sa pagkapanalo, para kay Niño Luna, tulad ng maraming Pilipino, maaari rin itong maging gawaing pampamilya habang kanilang isinasama sa kanilang mga laro ang kani-kanilang mga pamilya at kaibigan upang manood ng laro, bumuo at palakasin ang samahan ng komunidad Pilipino sa Western Sydney.![Filipino basketball](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/old_school_5.jpg?imwidth=1280)
![Filipino basketball](https://images.sbs.com.au/drupal/yourlanguage/public/old_school_5.jpg?imwidth=1280)
The Old School basketball team with their families and friends (Supplied by N. Luna) Source: Supplied by N. Luna