Latest

Ilang grupo ng mga Pinoy sa Australia nagsagawa ng pagtitipon at prayer vigil para sa magkasalungat na layunin

Magkahiwalay na prayer vigil at pagtitipon ang isinagawa ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Australia noong Marso 28, 2025.

Opposing Filipino groups in Australia stage separate gatherings and prayer vigils

Opposing Filipino groups in Australia stage separate gatherings and prayer vigils

Nagsagawa ng prayer vigil ang iba’t ibang grupo sa pangunguna ng Bayan Australia sa Melbourne, Sydney, at Perth noong ika- 28 ng Marso upang manawagan ng hustisya para sa mga biktima ng extra-judicial killings sa Pilipinas. Sa kanilang pagtitipon, hiniling nilang panagutin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasabing kaso.
BAYAN AUSTRALIA VIGIL FOR EJK VICTIMS
March 28, 2025, Prayer vigils and protests were held in Melbourne, Sydney, and Perth to demand justice for victims of extrajudicial killings in the Philippines and hold Marcos and Duterte accountable.
Samantala, nagtipon naman ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Duterte sa iba’t ibang bahagi ng Australia upang ipagdiwang ang kanyang ika-80 kaarawan.

Sa Canberra, pinangunahan ng Filipino Advocates for Change and Transparency ang isang panalangin para sa dating pangulo. May katulad din na pagtitipon sa Sydney at ibang estado.

Duterte supporters gathered for his 80th Birthday
Filipino Advocates for Change and Transparency organised a gathering of Duterte supporters in Canberra, Goulburn, and Queanbeyan
Matatandaan na inaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso 11 nang dumating siya sa Pilipinas mula Hong Kong, kasunod ng isang warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Ang ginawang aresto ay bahagi ng imbestigasyon ng ICC tungkol sa kontrobersyal na “war on drugs” ng kanyang administrasyon.

PAKINGGAN ANG ULAT
Mga balita ngayong ika-30 ng Marso 2025 image

SBS News in Filipino, Sunday 30 March 2025

SBS Filipino

30/03/202508:52

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share
Published 1 April 2025 12:54pm
Updated 1 April 2025 2:16pm
By Edinel Magtibay, TJ Corea
Source: SBS

Share this with family and friends