Stay-at-home na nanay: 'I should've been able to do it on my own.'

Dapat ang ina ang ilaw ng tahanan. Dapat alam niya ang lahat ukol sa bata. Dapat, di ba?

Davis family

The Davis family Source: Ressie Davis

Noon pa man, ninais na ni Ressie Davis na maging ina. Alam niyang hindi ito magiging madali; ngunit, hindi niya lubos-maisip na magiging ganoon kahirap pala ito. Akala niya ang anak niya'y magiging kagaya ng ibang mga bata - tulog halos buong araw, at madaling patigiling umiyak gamit lamang ng gatas at yakap. Hindi niya inakalang mahihirapan siyang patulugin ang kanyang anak, at hindi niya akalaing ganoon na lang ang kapaguran niya. Hindi niya rin naisip na hindi lang pala siya pagod, mayroon na pala siyang depression.

Sinuri ang 36-taong gulang na ina at na-diagnose siya na mayroong postnatal depression ilang buwan pagkatapos niyang manganak sa una niyang anak na si Ty.

Ang isa sa mga nagdulot ng kanyang depression daw ay ang pagtulog ng kanyang anak sa tabi niya.
Ressie and Ty
Ms Davis with Ty at 8-weeks old. Source: Ressie Davis
Co-sleeping at pagod

Hindi sang-ayon ang kultura sa Australya sa co-sleeping; ngunit, madalas pa rin itong gawin ng mga Pilipinong magulang dito. Nag-iingat sila habang ginagawa naman nila ito. Tinitingnan ng mga Pilipino ang co-sleeping bilang praktikal at mas ligtas na alternatibo sa pagtulog ng mga bata sa ibang kwarto. Saad ni Ms Davis na natutulog din daw sila noon ng kanyang kapatid katabi ng kanilang ina noong bata sila.

"[Babies] need to be protected so it was what they did when they were back in the Philippines," aniya, "And I guess that made me feel less guilty about co-sleeping with my child. So there were things that I let go of...in Western culture."
Ressie and mum
Ms Davis' mum passed away a couple of months after her eldest child's birthday. Source: Ressie Davis
Hindi lang ang paniwala dito sa Australya ang pinakawalan niya, pati pagtulog, nawala rin sa kanya.

Saad ni Ms Davis na masaya siyang katabi ang kanyang anak, ngunit pagod na pagod din siya. Hindi rin siya makatulog ng mahimbing. Nagigising siya sa bawat kilos at hinga ng kanyang anak. Mas naging mahirap pa ito ng lumalaki ang bata dahil lumalakas din ang mga sipa niya. Umabot pa nga sa punto na kinakailangang umikot silang mag-ina sa labas ng kanilang bahay para lamang mapatulog ni Ms Davis ang kanyang anak.

Tinikom ni Ms Davis ang lahat ng ito. Full-time sa trabaho ang kanyang asawang si Joel, at nasa bahay lang siya noon. Iniisip niya na dapat natural lang para sa kanya ang pagiging ina. Dapat daw masaya siya. Kung ganoon, bakit nararamdaman niya na may pagkukulang siya? Kinakabahan din siyang bumalik sa trabaho kasi kung ngayo'y nasa bahay na siya at may pagkukulang siya, paano pa kaya kung nagtrabaho siyang muli?

"I had this persona that I was always maternal. I put pressure on myself to live up to that belief. I [was always maternal to my younger] cousins or nieces and nephews," aniya, "But it’s very different when it’s your own."

Nahihiya siyang magsabi sa pamilya't mga kaibigan niya. Hindi rin niya ito masabi sa kanyang asawa na ngayo'y natutulog sa kabilang kwarto dahil sa takot na madaganan ang kanilang anak.

"[Joel and I] lost a lot of intimacy. We used to always talk about what our day was like. We lost [that] for a whole year. He wasn’t sure what I was thinking or feeling, and I didn’t share a lot of my feelings with him either," saad niya.
Ressie and Joel
Ms Davis admits that she lost the intimacy she used to have with her husband. Source: Ressie Davis
Paghahanap ng tulog

Habang hindi sinasabi ni Ms Davis ang kanyang mga problema kay Joel, napansin agad ng mga nars sa community centre and kanyang pinagdadaanan. Nirekomenda nilang humingi siya ng tulong para sa kanyang sarili, sa kanyang anak at sa kanilang mag-asawa.

Kumuha si Ms Davis ng referral para sa Possum Cottage sa Timog-Silangang Sydney, isang klinikang nagbibigay ng tulong pagdating sa pagpapatulog at pagpapasuso ng bata, pati na rin sa postnatal anxiety and depression. Gumawa rin ng referral ang Possum Cottage para sa Karitane, kung saan may residential stays na may mga programa para sa mga bagong magulang na nangangailangan ng tulong.

"They tried to settle my child and saw that it was really hard. I’m glad they saw it from my perspective - that my child was really hard to settle," aniya, "I felt understood."

Naramdaman niya ang pagkaunawa at naging mas mahimbing na ang pagtulog ng kanyang anak. Saad niya, "He was almost like a different child. It was wonderful."

Kahit malaki na ang pinagbago ng pagtulog ng kanyang anak, kinailangan pa niyang matutong humingi ng tulong sa kanyang asawa. Ayon sa kanya, marami siyang pinagdadaanan noon, at hinihintay lang pala siya ng kanyang asawa na humingi ng tulong at suporta.

"I thought, I was the one home [and in charge], I should be able to do it on my own. But little did I know that he was more than willing to help me out," aniya, "We're a team."

At bilang mag-asawa, dumaan silang muli sa sleeping challenges sa kanilang pangalawang anak na si Lenny. Ngunit, mas handa na sila noon; at kahit mahirap, nandoon na sila para sa isa't isa.
The Davis family
The Davis family Source: Ressie Davis
"[Our partners are] just figuring out parenthood as much as we are," saad niya.

 

Kung ikaw o isa sa mga kilala mo ay nakakaramdam ng postnatal depression, humingi ng tulong sa mga organisasyong ito: 

BASAHIN DIN

Share
Published 9 November 2018 7:05am
Updated 17 November 2018 10:25am
By Nikki Alfonso-Gregorio


Share this with family and friends