Ano ang mga inaasahang pagbabago sa Australian visa at immigration policies ngayong 2025?

human protection

Credit: Department of Border and Immigration

Malalaking pagbabago ang ipinatupad sa migration system ng Australia noong 2024 pero ano ang epekto nito at mga inaasahan ngayong 2025?


Key Points
  • Matatandaang inilaan ang 185,000 slots para sa permanent migration program ng 2024-25, mas mababa mula sa 190,000 noong nakaraang taon.
  • Nagkaroon din ng maraming pagbabago at paghihigpit sa pagkuha ng student visa at nais na maipatupad ang international student cap.
  • Nakatakda din ang pederal na eleksyon ngayong 2025 na makakaapekto sa mga immigration policy depende kung sino ang mananalong partido.

Share