Highlights
- Hindi na kailangan lumabas ng Australia para i-lodge ang visa
- Maari nang mag-apply ng sumusnod na visa ang mga onshore applicants
Binago ng Department of Home Affairs ang patakaran ng S48 bar para sa mga onshore visa applicants na apektado ng COVID-19 pandemic.
Subclass 491 - Skilled Work Regional (Provisional) visa
Subclass 494 - Skilled Employer Sponsored Regional (Provisional) visa
Subclass 190 - Skilled Nominated visa
- Ang visa subclass 190, 491 at 494 ay mga visa na targeted para skilled migrants upang mapunan ang kakulangan ng manggagawa sa regional areas
Ano ang S48?
Paliwanag ng Registered Migration Agent na si Em Tanag, ang section 48 ay isang provision ng Migration laws ng Australia kung saan ang isang aplikante na mayroon nang cancelled visa o refused application habang nasa loob ng Australia ay nililimitahan ng makapag-apply ng panibagong visa habang nasa bansa, kung sila ay nakabridging visa o walang hawak na visa.
"Kung ang aplikante ay section 48 barred ang pwede na visa lamang na pwede nila apply habang sila ay nasa Australia ay ang mga sumusunod, partner visa, protection visa, medical treatment visa, territorial asylum, border , special category, bridging visas mula a hanggang r. Resolution of status, child visa, retirement temporary visa, investor retirement visa."
"Kung ang visa na i-apply ng aplikante na section 48 barred ay wala sa listahan na ito. Kinakailangan nila lumabas ng Australia upang mag-lodge ng panibagong application. Dahil sa international travel ban ng Australia because of COVID-19, karamihan sa mga section 48 barred applicants na lumabas ng Australia para magpply ng bagong visa, must also wait for the results of their new application outside australia except yung mga nakapag exit sa New Zealand nung meron pang transtasman travel bubble."
Noong October 30, inanusyo ng pamahalaan ang mga pagbabago sa batas para bigyan ng oportunidad ang mga skilled migrants sa Australia na maipagpatuloy ang aplikasyon.
Magiging legal ang pananatili nila sa Australia dahil bibigyan sila ng temporary visa habang naghihintay tulad ng bridging visa C at E.