Australia bukas na para sa mga turista na kompleto ang bakuna

Airplane in flight

Source: The Image Bank RF

Inanunsyo ng pamahalaan ng Australia na bubuksan nila ang international border para sa lahat ng mga turista na kompleto ang bakuna. Naniniwala kasi ang maraming estado sa bansa na nalagpasan na nila ang pinakamataas na kaso ng Omicron variant, kaya pinaplantsa nito ngayon ang mga hakbang sa pagbubukas muli ng eskwelahan, mga negosyo pati ang unti-unting pagbabalik normal sa buhay ng mga Australians.


Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
Australia to reopen to fully vaccinated travellers image

Australia to reopen to fully vaccinated travellers

SBS Filipino

07/02/202208:09

Inaasahang sa Lunes ika-21 ng buwan ng Pebrero maari ng makapasok sa Australia ang mga International tourists  o turista .

Hinihinatay na lamang ang  pinal na desisyon sa pagpupulong ng National Security Committee  kung kailan ito sisimulang ibalik ang international travel, lalo’t dalawang taon din itong sarado dahil sa pandemya.


Highlights 

  • Ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt bumaba na ang bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 sa bansa pero epekto sa Aged Care sektor malala
  • Kinompirma ni PM Morrison ang deployment ng 1,700 na myembro Australian Defence Force para tulungan ang aged care facilities sa operasyon
  • Federal Treasurer Josh Frydenberg nagpahayag na ang gastos sa PCR at RAT Test ay gagawing tax-deductible

Nitong katapusan ng taong 2021 pinayagang makapasok sa bansa ang mga Australian citizens, permanent residents, skilled workers, international students at backpackers na kompleto na ang bakuna.

Sa mga hindi bakunado, kailangan lang magpakita ng pruweba na may kondisyon sa kalusugan kaya hindi maaring bakunahan.

Dapat ding tandaan na ang bawat estado at teritoryo ay patuloy na magpapatupad ng quarantine base sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Ayon kay Prime Minister Scott Morrison, handa silang buksan ang bansa para sa mas maraming international travellers pero sa isang mahalagang kondisyon.

"Kapag kompleto kayo ng bakuna malugod namin kayong tatanggapin dito sa Australia at alam kung handa na ang industriya ng turismo para sa inyong pagdating.At inaasahang mangyayari yan simula sa susunod na dalawang linggo dito sa Australia."

 

 


Share