Babala sa mga magulang tungkol sa mga larawan ng mga anak na magbabalik-eskwela

BACK TO SCHOOL

As families prepare for kids to go back to school, police say parents and guardians should look out for their privacy settings and obscure the logos of the school in uniforms and background images when sharing photos online. Credit: DEAN LEWINS/AAPIMAGE

Habang naghahanda ang mga bata na bumalik sa paaralan sa kabuuan ng Australia, nagbabala ang pederal na pulisya tungkol sa mga larawang ipino-post online.


Key Points
  • Binabalaan ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga maliliit na bata na mag-ingat sa pag-post ng mga larawan na kinuhanan sa sa paaralan ng kanilang mga batang anak.
  • Ayon sa Australian Federal Police (AFP) na dapat maging mapagbantay ang magulang tungkol sa impormasyong nilalaman ng mga larawan at kung sino ang maaaring magkaroon ng akses sa mga ito.
  • Mungkahi ng pulisya na i-blur o takpan ang logo ng paaralan o uniporme ng bata o ang background ng mga larawan at higpitan ang mga privacy setting ng iyong post.
  • Kausapin ang ibang tao na kumukuha ng larawan ng iyong anak, alamin saan at paano nila gagamitin ang mga larawan at kung saan nila ibabahagi ang mga ito.
LISTEN TO PODCAST
Parents are warned re back-to-school photos image

Parents are being warned about back-to-school photos

SBS Filipino

29/01/202504:58

Share