Key Points
- Matapos makita nang magbakasyon ang buong pamilya sa lugar, 1992 mula Sydney, Australia nagdesisyong lumipat sa Glenorchy sa Tasmania ang pamilya ni Cathy Rivilla Ayesa. Ang kanilang lugar ay angkop para sa mga nature-lovers.
- Ang Glenorchy ay napapalibutan ng River Derwent sa silangan, Mount Wellington sa kanluran, Hobart sa timog, at Brighton sa hilaga. Kabilang sa Glenorchy City Council ay ang mga lugar sa Montrose, Moonah, Rosetta, Wellington Park at bahagi ng West Moonah.
- Kumpara sa ibang lugar ayon sa mga Pilipinong residente mas mura ang renta at presyo ng bahay, may maraming trabaho, at Asian shops.
Buong pusong iniimbita ng Cebuanang si Cathy Rivilla Ayesa ang mga kababayan na bisitahin ang kanilang lugar sa Glenorchy sa Tasmania.
Kwento niya nang una nitong makita ang lugar sa kanilang bakasyon, agad siyang napahanga sa ganda ang nito. Bukod sa preskong kapaligiran, marami ang makikitang hayop at buhay na buhay ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
"I'm so thankful that I ended up here because of its slow pace, its close-knit community, and its unique ambiance. It's a multicultural place where people have different ways of life, making it even more special."
Ang lahat na karanasan ni Cathy ay sinang-ayunan ng Presidente ng Philippines-Australia Community of Tasmania, Inc. na si Jyosh Polea Vizcarra.
Kabilang sa Glenorchy City Council ay ang mga lugar sa Montrose, Moonah, Rosetta, Wellington Park at ibang bahagi ngWest Moonah.
Kulang-kulang limang daang mga Pinoy ang naninirahan sa lugar.
Samantala sa buong Tasmania, higit 3,000 ang mga may dugong Pilipino.
"There are really more and more Filipinos here now, and company owners are reaching out to us because they have hired Filipinos. They want to ensure that the new migrants feel at home here since there are many Pinoys—because they truly love Filipino workers.
Ipinagmamalaki din ni Cathy Rivilla Ayesa na patuloy na ipinamamalas ng mga Pinoy ang magandang kaugalian.
Masigla din ang pinaka-importanteng selebrasyon ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng pasko.
Bukod sa magandang tanawin at masayang karanasan pinapasalamatan ng pamilya ni Cathy ang Filipino community sa Glenorchy dahil sa tulong ng pagsisikap nilang mag-asawa ay napalaki nilang matino ang kanilang dalawang anak.
"And I believe it depicts how we raise our children. We have very good, hardworking kids, and I am so proud of my children. I believe my husband Alfonso, and I did a good job—at least, I guess so!"