KEY POINTS
- Sa patuloy na pangangampanya para sa eleksyon ay inanunsyo kamakailan ng mga pangunahing partido ang mga plano na palakasin at dagdagan ang bilang ng mga tradie worker sa Australia upang tumulong sa pagpapadami ng supply ng mga bagong bahay.
- Ayon sa Master Builders Association, kakailanganin pa ang 130,000 na mga karagdagang manggagawa sa bansa. Anila, ang migrasyon at sistema ng visa sa bansa ay bigong makaakit ng mga skilled tradies o pahintulutan ang mga nandito na magtrabaho.
- Hindi pa malinaw kung ang programa ng Labor na kaagarang ipasok ang 6000 na mga tradies ay bukas sa mga visa holders. Samantala ayon naman sa Koalisyon, papabilisin nila ang skilled visa para sa mga construction worker ngunit wala pang eksaktong detalye kung paano.
LISTEN TO THE PODCAST

Mga partido nag-anunsyo ng mga plano upang dagdagan ang bilang ng mga tradie, solusyon ba ito?
SBS Filipino
05:17
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and