Kaya bang punan ng isang AI robot ang kalungkutan sa aged care sector?

Robot Abi in Aged Care home in Melbourne - SBS.jpg

Dumarami na ang mga artificial intelligence na pinapakilala sa sektor aged care tulad na lamang ng mga fall prevention system at mga bagong paraan upang matugunan ang social isolation o kalungkutan. Kamakailan, isang Australian made na humanoid robot na pinangalanang Abi ang nagpakita ng kanyang abilidad sa pangangalaga.


KEY POINTS
  • Utak sa likod ng paglikha kay Abi ang 24 anyos na mechatronics engineer na si Grace Brown. Aniya, ang humanoid companion ay unang nabuo tatlong taon na ang nakaraan sa gitna ng hamon ng isolasyon na dulot ng COVID-19 pandemic.
  • Pangunahing tungkulin ng humanoid robot ay ang pakikipag-usap o ugnayan sa mga residente ng aged care at may abilidad din itong makapagsalita ng 90 wika.
  • Ayon sa datos ng pamahalaang pederal, tinatayang 1 sa 5 na mga matatandang Australyano ang nakakaranas ng kalungkutan. Isa din sa tinukoy ng aged care royal commission na dahilan ng pangunahing hamon sa sektor ay ang kakulangan sa mga nagtatrabaho dito lalo na't mataas ang demand sa mga staff.
PAKINGGAN ANG PODCAST
ai robot rnf image

Kaya bang punan ng isang AI robot ang kalungkutan sa aged care sector?

SBS Filipino

18/02/202504:18

Share