Carer's Diaries: 'May pamilya din ako at nahahati ang isip ko, pero di ko pwedeng iwan si mama'

Caring for elderly parent in Australia with dementia

Source: Francis Pormento

Purong pagmamahal at hindi lang utang na loob sa magulang ang dahilan ni Francis Pormento sa kanyang mga sakripisyo para maging full-time carer ng nanay na may dementia. Pakinggan ang kanyang kwento.


Highlights
  • Kinailangang iwan ni Francis ang kanyang pamilya sa Pilipinas para maalagaan ang kanyang nanay sa Australia
  • Dumaan si Francis sa Guardianship Tribunal para makuha ang karapatan na maging tagapag-alaga ng kanyang ina
  • Marami mang pagsubok bilang carer, itinuturing ni Francis ang bawat umaga na isang biyaya para makasama ng matagal ang mahal nyang nanay

 Hindi nagdalawang-isip ang Pinoy carer na si Francis Pormento na pansamantalang iwan ang asawa't anak at talikuran ang trabaho ng 22 taon sa Pilipinas kapalit ng pag-aalaga sa 92-taong-gulang nyang nanay sa Australia.


 


Share