Nahihirapan sa online voting? Narito ang paraan sa paghingi ng tulong sa Konsulado ng Pilipinas

Philippines online voting

PCG-Sydney officer assists an overseas Filipino voter during the consular outreach mission in Tamworth, NSW.

Umaasa ang Commission on Election (COMELEC) sa Pilipinas na mas dadami ang makakaboto sa pamamagitan ng online voting ngayong Halalan 2025, pero marami pa ring Pilipino sa abroad ang nakakaranas ng suliranin sa bagong sistema. Narito ang gabay para sa paghingi ng tulong kung nahihirapan kang mag-enrol at makaboto online.


Key Points
  • Ang internet voting para sa overseas Filipinos ay maaring gawin hanggang May 12, 2025 sa ganap na 7:00PM, oras sa Pilipinas.
  • Ang mga dual citizen na botante pero walang updated na dokumento o walang hawak na Philippine passport at National ID ay maaring bumisita at tumawag sa mga Consulate offices.
  • Nasa mahigit 19,000 ang rehistradong botante sa Australia.
Pakinggan ang podcast
Consular support for PH voters.mp3 image

Nahihirapan sa online voting? Narito ang paraan sa paghingi ng tulong sa Konsulado ng Pilipinas

SBS Filipino

07:06
Ayon sa COMELEC, may 1.231 milyong rehistradong overseas Filipino voters, kabilang ang mahigit 19,000 sa Australia. Sa kabila ng kaginhawahan ng internet voting, marami pa rin ang nakakaranas ng problema, lalo na ang mga nakatatanda at dual citizens na walang Philippine Passport at National ID.

Upang matulungan sila, nagsasagawa ang Konsulado ng manual verification at nagtalaga ng support team na handang umalalay online, sa telepono, o personal. Na-extend din ang enrollment period hanggang ika-10 ng Mayo, at ang internet voting ay maaaring gawin hanggang ika-12 ng Mayo, 2025.

Patuloy na hinihikayat ng Konsulado ang mga Pilipinong botante na gamitin ang bagong sistema ng pagboto at makibahagi sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share