Key Points
- Tiyaking may go-signal muna mula sa mga awtoridad bago bumalik sa bahay. Mag-ingat sa mga sira sa estruktura, kuryente, at baka may mga hayop na napadpad sa paligid.
- Kuhanan muna ng litrato ang lahat ng pinsala bago maglinis—makakatulong ito sa pag-aayos ng insurance claims. Alamin din kung may financial assistance mula sa gobyerno na puwedeng i-apply-an.
- Agad na patuyuin ang bahay para maiwasan ang amag. Linisin at i-disinfect ang lahat ng gamit, at magsuot ng proteksyon tulad ng gloves at mask habang naglilinis.
- Tandaan, hindi madali ang pagbangon. Normal lang na makaramdam ng pagod o lungkot—humingi ng tulong kung kinakailangan. Kumapit sa komunidad, at kung kaya mo, tumulong din sa iba.
LISTEN TO THE PODCAST

Tips para makabangon pagkatapos ng bagyo at pagbaha sa Australia
SBS Filipino
10:17
Kapag nakaranas ka ng baha o bagyo, normal lang na gusto mong bumalik agad sa normal ang buhay. Pero tandaan—siguraduhin ang kaligtasan muna bago ang lahat.

Dry out your home quickly to prevent mould, disinfect all surfaces, and wear protective gear when cleaning. Credit: Glenn Hunt/Getty Images

You can assist others by volunteering with local organisations or donating to relief efforts like the Red Cross. Credit: Dan Peled/Getty Images

In addition to your protective clothing, wear a respirator if you’re using strong chemicals or cleaning up mould. Credit: Dan Peled/Getty Images
Kung ikaw ay nahihirapan, makipag-ugnayan sa iyong GP o Telehealth.
Maaari ding maka-access sa mental health support sa pamamagitan ng:
Lifeline (13 11 14)
Beyond Blue (1300 22 4636)
Kids Helpline (1800 551 800)
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips para sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o paksang nais pag-usapan, mag-email sa [email protected]
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and