Paggamit ng sining para sa pagbabago at pag-unlad

Maria Reyes

Maria Angelica Reyes with some of her early drawings Source: SBS Filipino

Sinong mag-aakala na mula sa isang simpleng hilig, maaaring magamit ang masining na kasanayan bilang instrumento ng pagbabago at pag-unlad?


Bukod sa pantanggal ng stress, ginagamit ng Australian Awards Pilipino iskolar na si Maria Angelica Reyes, ang kanyang pagguhit sa pagdadala ng pagbabago sa komunidad.

"Kung ikaw ay may ganitong kasanayan, i-cherish natin ito at mahalagang ibahagi ito sa iba," ang pananaw ng mag-aaral na siya'ng kasalukuyang Pangulo ng Filipino Student Society sa University of Sydney.

Ginagamit niya ang kanyang hilig sa sining upang lumikha ng mga guhit na magiging kapaki-pakinabang para sa kanyang mga kababayan, partikular sa mga magsasakang Mangyan.

Inihahanda niya ang isang buklet na may mga guhit na nilalayon niyang gamitin bilang bahagi ng kanyang pagpapatupad ng kanyang Re-entry Action Plan kapag bumalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng kanyang pag-aaral ng Master of Development Studies sa Sydney.

Nakita ng Australyanong manunulat na si David Seddon ang talento sa pagguhit ni Binibining Reyes at kinuha siya nito para gumuhit ng mga larawan para sa isang libro ng mga tula na tinawag na 'Notes from a Nerd in Need' na nakatakdang ilabas sa lalong madaling panahon.
BASAHIN DIN: 

Share