Mga pasyalan ngayong Easter na patok sa pamilyang Pilipino sa Australia

Easter holidays

Since moving to Australia in 2013, the Sydney Easter Show is Tabalina family's favourite go-to during Easter; Baui family (right) went to Gold Coast this year. Source: Supplied by Claudia Tabalina & Jennifer Baui

Sabik sa pamamasyal ang maraming pamilya ngayong Easter kaya naman ilang mga Pilipino sa Australia ang 'di alintana ang dami ng tao sa pagpunta sa Sydney Easter Show at sa mga theme parks sa Queensland.


Pakinggan ang audio



Sa dami ng pwedeng pasyalan sa Australia kapag Easter, maraming mga pamilya ang pinipili na magpunta sa Easter Show sa Sydney o kaya'y sa iba't ibang mga amusement park sa Queensland. 

Matapos ng dalawang taon ng mga restrisyon at pananaliti sa bahay dahil sa COVID-19, sinusulit ngayon ng marami ang panahon na magkakasamang mamasyal.


Highlights

  • Humigit-kumulang 800,000 katao ang pumupunta sa Sydney Royal Easter Show.
  • Bukod sa mga rides, tampok din sa taunang event ang mga produktong natatangi sa Australia tulad ng mga tupa at iba pang produktong agrikultura.
  • Maliban sa Easter egg-hunting kapag Easter, patok din para sa mga pamilya ang pamamasyal sa mga amusement parks sa Queensland.

Paboritong aktibidad kapag Easter

Mula nang dumating sa Sydney noong taong 2013, taon-taon na nagpupunta sa Sydney Royal Easter Show ang pamilya ni Claudia Tabalina.

"Bawat taon pumupunta kami, pwera na lamang nitong nag-COVID pandemic," kwento ng aged care worker mula kanlurang Sydney.

Ito aniya ang paborito ng kanyang pamilya kapag Easter, lalong-lalo na para sa kanyang dalawang anak na ngayo’y dalaga’t binata na.
Sydney Easter Show
Tabalina family loves the roller coaster, horror house and the bump cars. Source: Supplied by Claudia Tabalina
"Gustong-gusto nilang sumakay sa roller coaster, bump cars, maging yung nakakatakot na horror house, at 'yung car show at fireworks display sa gabi."

Bukod sa masaya at maka-pigil hiningang mga rides, paborito ring panoorin ng pamilya tabalina ang mga local product displays at mga demo shows.

"Educational din siya. Makikita mo kung paano ginugupitan ng mga farmers ang mga alaga nilang tupa."

Unang ginanap ang Sydney Royal Easter Show noong 1823.

Malaki ang naging papel ng Royal Agricultural Society of NSW (RAS) sa pagsisimula ng mga kumpetisyon, edukasyon at mga kaganapan kaugnay ng mga magsasaka na kasama dito.
Sydney Easter Show
The 12-day event is Australia's largest annual event, that celebrates the country's agriculture industry and the role it plays in the health and wealth of the nation. Source: Royal Agricultural Society of NSW
Samantala, bagaman batid ng Ginang Tabalina na hindi pa rin natatapos ang banta na maaaring mahawaan ng covid-19 lalo na sa pakikisalamuha sa maraming tao na dumadalo rin sa Easter show, tiwala naman siya na magiging ligtas silang pamilya dahil lahat sila ay fully-vaccinated na at may booster shots na rin.

"Practice din lang talaga ng hand hygiene at kung pwede magsuot pa rin ng facemask lalo na at maraming tao, at saka nakapagpa-booster shots na rin kami at maging mga anak ko ay fully-vaccinated na rin kontra COVID-19."

Kaiba man ang paggunita ng Semana Santa dito sa Australia kumpara sa tahimik na nakasanayan sa Pilipinas, pasalamat pa rin si Claudia na magkakasama sila ng kanyang pamilya at walang anumang karamdaman.

Masaya at makapigili-hininga na mga rides

Amusement at theme parks naman ang pinagka-abalahan ngayong Easter ng pamilya ni Jennifer Atienza-Baui. Sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, bumiyahe at lumipad ang buong pamilya Baui mula Sydney patungong Gold Coast.
Easter holidays
'It's always an exciting time to go on the thrilling rides like the Green Lantern Coaster; it's funtime too for my kids to see again one of their favourite character, Batman and Robin.' Source: Supplied by Jennifer Baui
May ilang beses nang nakapunta ng Gold Coast ang pamilya Baui, pero mas pinili pa rin nila ang interstate travel ngayong taon bilang pag-iingat pa rin mula sa mga kaso ng COVID-19.

"Gusto uli na mabisita ng mga bata ang mga theme parks at gusto rin namin na makapasyal pa sa ibang mga lugar dito [Queensland] na hindi pa namin napupuntahan," ani Jennifer.

Aminado ang ginang mula Sydney na noong una medo nagdalawang-isip silang bumiyahe.

"Una dahil sa COVID-19 at baka magkaroon na naman ulit ng mga lockdown lalo na sa ibang bansa kaya dito lang muna kami sa Queensland." 

"Sobrang na-excite 'yung mga anak ko kasi dalawang taon ba naman na hindi tayo nakapagbiyahe."

"Alam ko na magiging parte na ng buhay natin ang COVID-19, hindi naman agad ito mawawala. Kaya dapat na mag-ingat pa rin sa ating mga pagbiyahe," anang ng baker mula Sydney.
Easter holidays
The Baui family enjoying the sunny Surfers Paradise Beach in Queensland. Source: Supplied by Jennifer Baui
Para sa mga kagaya ng pamilya Baui na sinusubok na maibalik sa dati ang nakagawiang pagbiyahe, payo lamang ni Jennifer na patuloy na mag-ingat pa rin. Gawin ang mga kinakailangang pag-iingat lalo na kung maraming tao na nakakasalamuha partikular sa mga airport. 

At para naman masulit ang inyong oras ng pamamasyal, dapat aniya na "alam niyo na ang itinerary ninyo at mga pupuntahan para hindi masayang ang oras ninyo lalo na sa mga theme parks na madalas ay mahaba ang mga pila".
Easter holidays
The Antonio kids can enjoy the rides available at the amusement parks in Gold Coast anytime of the year. Source: Supplied by Marco Antonio Tamayo

'Enjoy your local area'

Maituturing naman na masuwerte ang pamilya ni Marco Antonio Tamayo dahil sa Queensland sila nakatira kung saan sila'y malapit lamang ang mga amusement parks.

Hindi na nila kailangang lumayo ng pamilya Antonio at makipagsabayan sa mga turista sa Queensland.

"Talagang pasalamat ako na malapit kami sa mga amusement parks na hindi dahil kahit anong araw kahit hindi bakasyon ay pwede kong dalhin ang aking mga anak," kwento ng 2003 Mr Philippines World at Certified Fitness Coach.
Easter holidays
This Easter Sunday, Greaty and Matey will enjoy their time with family friends doing their usual Easter egg-hunting at their local park. Source: Supplied by Marco Antonio Tamayo
Dagdag pa ni Marco na sa mga ganitong bakasyon, madalas sa tabing-dagat ang punta ng kanyang pamilya.

"Madaming Queenslander ang punta 'pag ganitong Easter ay sa mga beach, parks o kaya'y nagka-camping."



Share