Key Points
- Ang buwan ng Abril ay ang Filipino Food Month. Pinangungunahan ng Philippine Embassy sa Canberra ang selebrasyon na may temang “Kalutong Filipino, Lakas ng Kabataang Makabago”.
- Inilatag muli ni ACT Chief Minister Andrew Barr ang programa ng kanyang gobyerno na “Education Equity Fund” na parte ng cost-of-living support programs ng teritoryo.
- Magsasagawa ng Dawn Service sa Australian War Memorial sa ganap na 5:30 ng umaga, 25 Abril na susundan naman ng Veterans’ March ng mga miyembro ng RSL ACT Branch sa bagong Parade Ground sa loob ng War Memorial.
- Nakakaranas na rin ng snow sa Thredbo National Park at Mt Kosciuszko na kinagigiliwan ng mga winter sports ethusiasts.
Inaanyayahan ng Embahada ang mga Filipino sa buong Australia na magpadala ng mga litrato ng Filipino dish o food, home-cooked man o natikman sa restaurant, at i-share sa kanilang official Facebook page.
Ilan sa mga pagkain na i-fineature ng Embahada sa kanilang social account ay ang pansit habhab, escabeche, gulaman, halu-halo at espasol.