Pakinggan ang audio:
LISTEN TO

Health care in focus ahead of NSW strike action
SBS Filipino
14/02/202203:34
Libo- Libong mga health care workers sa buong New South Wales ang inaasahang magprotesta ngayong araw ng Martes.
Kabilang sa lalahok ang mga nurses at paramedics para sa agarang aksyon sa hinihiling na dagdag-sweldo at empleyado na tutulong sa mga ospital lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Highlights
- Code Brown health alert sa Victoria tinanggal na simula Pebrero 14
- Covid Testing Commander Jeroen Weimar inihayag ang kahalagahan ng booster shots
- Gobyerno ng Queensland isinapubliko ang planong pagtatayo ng pitong satellite hospitals, konstraksyon magsisimula bago matapos ang taon
Paliwanag ni NSW Premier Dominic Perrottet , nakipagpulong na ang kanyang Health Minister sa unyon at umaasang magkakaroon ng kasunduan at solusyon sa mga hinihiling ng mga frontliners.
"Ang lahat ng mga manggagawa, frontline workers sa buong estado na buong pusong naglingkod lalo na ngayong may pandemya. Gusto kong malaman nyo na mahalaga kayo at gusto namin kayong suportahan at umaasa ako na magkasundo at mabigyan ng kasagutan ang inyong mga hiling. Hindi man agad mangyayari yan pero matuloy naming tatrabahuin para matupad ang nasa kasunduan."