'It breaks stereotypes': Fil-Aus actor Bernie Van Tiel proud na bahagi ng bagong SBS drama Swift Street

photo-collage.png.png

[Bottom-left] Filipino multi-talented artist Bernie Van Tiel will star in the film 'Swift Street,' alongside rising star Tanzyn Crawford, acclaimed actor Cliff Curtis, and many others. The film will be released on SBS and SBS on Demand on April 24, 2024.

Ayon kay Bernie Van Tiel simula’t sapul bilang isang musician at aktor, isang karangalan na mabigyan ng malaking break sa piniling karera, kaya gagamitin niya ito para buksan ang pintuan at maging boses nilang mga inaalipusta sa lipunan. 'Ang Swift Street' ay mapapanood simula sa ika-24 ng Abril 2024 sa SBS at SBS on Demand.


Key Points
  • Ang lahat ng walong 30-minutes na episode ng ‘Swift Street’ ay libreng mapapanood sa SBS On Demand simula sa 24 Abril 2024, kasabay ng pag-ere ng double episodes kada 8:30 ng gabi sa SBS tuwing Miyerkules.
  • Taong 2017 nagwagi si Bernie bilang Best Female Performance sa International Academy Web Television Awards sa supernatural web series na ‘Jade of Death’ samantala, bumida na din sya sa maraming pelikula na ipinalabas sa ABC at SBS.
  • Ang ina ng Sydney based actor ay mula sa Pampanga, at lahat ng kanyang ginagawa ay inialay sa kanyang pamilya at adbokasiya na maging boses sa mga inaapi at inaalipusta sa lipunan.
SwiftStreet - SD11-CharacterPortraits-JZ-23.jpg
Filipino multi-talented artist Bernie Van Tiel will star in the film 'Swift Street,' alongside rising star Tanzyn Crawford, acclaimed actor Cliff Curtis, and many others. The film will be released on SBS and SBS on Demand on April 24, 2024. Credit: SBS
Tubong Pampanga ang ina ng multi-talented artist na si Bernie Van Tiel at sa murang edad nag-migrate ang kanyang pamilya sa Australia. At inamin nito first love niya ang musika.

Ngayong nabigyan ng malalaking break bilang aktor dito sa bansa, gusto niyang gamitin ang pagkakataon na mabigyan ng oportunidad ang tulad niyang mula sa diverse community.

Sa katunayan ikinagagalak nitong ibahagi na ang lahat ng kanyang mga break sa pelikula at sa career sa musika ay katuparan ng kanyang mga pangarap.

Dumaan din kasi siya sa maraming pagsubok pati sa pagpili ng kanyang karera.

"I prefer my happiness, now that I'm in the position where I am fortunate enough to feel secure in my job now which is in the creative industry and I'm very thankful for that," masayang kwento ng aktor.

SwiftStreet-BLK2SD01-CharacterPortraits-JZ-21.jpg
Filipino multi-talented artist Bernie Van Tiel will star in the film 'Swift Street,' alongside rising star Tanzyn Crawford, acclaimed actor Cliff Curtis, and many others. The film will be released on SBS and SBS on Demand on April 24, 2024. Credit: SBS
Inpirasyon din ni Bernie sa kanyang mga pyesa ang mga katutubong Pilipino maging indigenous Australians na ayon sa kanya nakakaranas ng hindi patas na pagtrato ng mga mamamayan.

Nais din nitong maging boses ng mga taong may parehong karanasan tulad ng mga migrante at myembro ng LGBTQI plus.

SwiftStreet - SD08-CharacterPortraits-JZ-27.jpg
Inspirasyon ni Bernie Van Tiel sa kanyang mga pyesa ang mga katutubong Pilipino maging indigenous Australians na ayon sa kanya nakakaranas ng hindi patas na pagtrato sa lipunan. Credit: SBS
At ngayong muling bibida sa isang crime drama na Swift Street, ang pelikula sabi nito sumasalamin sa buhay ng mga taong mula sa diverse communities.

" I play the role of Aisha, the series is full of adventure, it's full of twists and turns and very touching... The thing I love about 'Swift Street' it humanizes us and breaks stereotypes and barriers."

Ipapalabas din ang Swift Street series sa Cannes, France, na nadadaluhan din ng mga aktor sa pelikula.

Inialay din ni Bernie ang kanyang mga tagumpay sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang ina na itinuring na kanyang number one fan.

" The family will celebrate it...it is such a Filipino thing to do and be like, you know that actor? they're Filipino (laugh)! I'm proud to say my mum is the most supportive through actions like she'll cook for you and say be home for a little bit."

Inamin ni Bernie bilang isa sa mga aktor sa Swift Street isang malaking hamon ang pagganap sa karakter, ngunit nagpapasalamat siya dahil ginampanan niya ang isang mahalagang papel na makatulong sa iba lalo na nilang mga nakakaranas ng pang-aalipusta sa lipunan.

"The responsibility that I choose is to open the door for the people behind me, open the door for the next generation, or the next group of people who've been trying to get this door for a long time.

And I want to do that by any means necessary and do that in a way that doesn't ruin it for them. I wanna give them a very very handsome seat at the table and a big boodle fight to eat from, so sit down and eat (laugh)," masayang pagbahagi ni Bernie.

Share