Key Points
- Sa mas malawak na komunidad ng Australia, walang katumbas ang lugaw. Para sa mga Australians, may oats o porridge, pero ito ay matamis.
- Ang lugaw ay ultimate comfort food na kadalasan inihahain kapag taglamig o kapag ikaw ay may sakit.
- Ayon sa National Commission for Culture and the Arts, ang lugaw ay isa sa mga pinakaunang historikal na naitalang pagkain sa Pilipinas.
Goto, arroz caldo, o congee? Ano ang pagkakaiba? Alamin ang iba’t ibang klase ng lugaw.
*Kwentong Palayok is SBS Filipino’s podcast series focused on Filipino food, its origins and history, and its evolution both in the homeland and Australia.
Para sa mga Pilipino , ang lugaw ang ultimate na Filipino comfort food. Madalas itong inihahain tuwing winter season at kapag ikaw ay may sakit. Umaga, tanghali o gabi, kumakain ang mga Pilipino ng lugaw, kaya namang masasabing ang lugaw ay hearty, comforting at essential talaga.
Pero alam niyo ba na ang simpleng putaheng ito ay “panganay” sa mga Filipino dishes? Maliban dito, bagamat ang pananaw natin sa lugaw ay simpleng pagkain, hindi simple ang method o pagluto nito. Matagal ito lutuin, masalimuot gawin. Kailangan ng pasensya at pagmamahal. Lugaw is love.
LISTEN TO
Kwentong Palayok: What's your "baon?"
SBS Filipino
10/11/202320:41
LISTEN TO
Kwentong Palayok: Anong paborito mong almusal?
SBS Filipino
21/11/202316:16