Pagpondo sa Medicare hindi kaagarang gamot sa problema ng bulk billing ayon sa mga grupo ng doktor

GP

Australia's bulk-billing rate plummeted to 20.7 per cent at the start of 2025, down from almost 36 percent [[35.7]] two years earlier, Source: iStockphoto

Tinanggap ng mga doktor ang pangakong pondo ng Labor at Koalisyon upang tugunan ang isyu sa Medicare bulk billing. Ngunita ayon sa Australian Medical Association hindi ito sagot sa problema at matatagalan pa bago maayos ang nasirang sistema.


KEY POINTS
  • Inanunsyo ni Prime Minister Anthony Albanese na hatid ng kanyang partido ang $8.5 billion na pondo para sa Medicare. Habang nangako ang Opposition Leader Peter Dutton ng Koalisyon ng $9 billion na pondo para dito.
  • Ayon sa datos na nilabas ng health care directory na Cleanbill nitong Enero, bumagsak ang bulk-billing rate ng Australia sa 20.7 per cent sa pagpasok ng 2025. Bumaba ito ng mahigit 36 per cent sa loob ng dalawang taon.
  • Ayon sa Royal Australian College of GPs President Michael Wright hindi lahat ay maba-bulk bill sa hinaharap dahil mababa pa rin ang patient rebates. Ibig sabihin ay hindi ito sapat upang mabayaran ang halaga ng pangangalaga.
PAKINGGAN ANG PODCAST
medicare reax rnf image

Pagpondo sa Medicare hindi kaagarang gamot sa problema ng bulk billing ayon sa mga grupo ng doktor

SBS Filipino

26/02/202507:22

Share