Key Points
- Ang Skills in Demand Visa ay nagpapahintulot sa mga skilled worker na manirahan at magtrabaho sa Australia ng hanggang apat na taon, na may mga oportunidad na magtamo ng permanent residency.
- Walang restriksyon sa edad pero kailangan mayroong kang isang taon ng full-time work experience sa itinalagang propesyon sa nakalipas na limang taon para makapag apply.
- Maaaring mag-apply para sa Skills in Demand Visa online sa website ng Department of Home Affairs na may bayad na AUD 3,115 para sa pangunahing aplikante.
- Pinag-iingat ng mga eksperto ang mga aplikante sa mga mapagsamantalang migration agent at scammers.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon sa podcast na ito ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang registered migration expert sa Australia o sumagguni sa website ng Department of Home Affairs.