Mga pagbabago sa mga patakaran at batas sa Australia na epektibo ngayong 2025

Changes taking effect on January 1, 2025

Changes taking effect on January 1, 2025 include an increase in welfare payments for more than one million Australians, passport fee cost will go up to $412 and intentional underpayment of wages by employers will become a criminal offence. Credit: SBS News, Getty Images/Laura Reid and William West

Mula sa mga welfare payment at mga pagtaas ng presyo hanggang sa mga bagong batas at regulasyon, alamin ang ilan sa mga pinakamalaking pagbabago na magsisimulang maging epektibo sa Enero 1, 2025.


Key Points
  • Mula Enero 1, 2025, isa nang krimen ang kulang na pagpapasahod sa mga empleyado. Kabilang sa parusa ang hanggang 10 taon na pagkakakulong at $1.565 milyon na multa para mga mga indibidwal at $7.825 milyon para sa mga kumpanya na lalabag.
  • Mahigit isang milyong Australiano ang makikinabang sa pagtaas ng welfare payments mula Enero 1. Kasama sa mga tumaas na bayad ang ilang income support at supplementary payment, kasama ang Youth Allowance, Austudy, Youth Disability Support Pension at Carer Allowance.
  • Tataas ang singil sa pagkuha ng pasaporte, mula sa dating $398 ito ay magiging $412.

Share