Key Points
- 1994 nang lakas loob na itinaguyod ng publisher na si Evelyn Zaragoza ang pahayagan na the Philippine Community Herald Newspaper mula sa sariling pagsisikap at gastos.
- Sa edad na 75 years old, nais ipagpatuloy ni Evelyn ang pagseserbisyo sa publiko sa tulong ng kanyang dyaryo. Aniya, ito ang nagbibigay sa kanya ng kasiyahan at kabuluhan sa buhay.
- Isang survey na pinondohan ng The Australian Research Council noong 2021 ang nagsasabing karamihan ng mga mamamayan sa malalayong nayon ang pinipiling magbasa ng dyaryo para makakuha ng balita.