Highlights
- Karamihan sa mga mag-aaral ay babalik na sa eskwelahan sa Pebrero.
- Isang kilos protesta ang ginawa ng grupo ng mga nurses dahil sa kakulangan ng staff sa mga ospital.
- Nababahala ang mga awtoridad sa mababang bilang ng mga estudyanteng nasa high school na wala pang bakuna ang iba naman ay wala pang booster shots.
Nauna na ding bumalik sa kani-kanilang mga silid aralan ang karamihan sa mga guro para maghanda sa pagbabalik ng mga bata sa Pebrero.
Ayon kay New South Wales Premier Dominic Perrottet, 80 porsyento na ng mga eskwelahan sa estado ang nakatanggap ng supply ng Rapid Antigen Testing kits. Patunay lang umano ito na seryoso ang gobyerno, na gawing ligtas ang pagbalik eskwela ng mga bata .
Pakinggan ang podcast:
LISTEN TO

National Cabinet meets as students prepare to return to COVID-safe schools
SBS Filipino
30/01/202207:04
Dahil sa lumulubong pangamba sa napipintong pagbubukas ng eskwela ng bansa, naging agenda ng pagpupulong ng National na gabinete ang pagbakuna ,at kahalagahan ng booster shots.
Lumalabas kasi sa datos na mababa ang bilang ng mga residente na nagpabooster shots sa buong estado at teritoryo, bunga umano ito sa naunang pahayag na madaling nakakahawa lang at hindi malala ang epekto ng Omicron variant.
Subalit sinalungat ito ni NSW chief medical officer Dr Kerry Chant batay sa ginawang pag-aaral.
"Ang pag-abiso namin na magpsbooster shots na ay hindi nangangahulugan na hindi epektibo ang dalawang dose. Lumabas kasi sa pag-aral, na nagbabago ang Omicron variant at ang pangatlong dose ay nagbibigay ng mabisang proteksyon, laban sa malalang epekto ng virus."