Key Points
- Nang dalhin sa Penitentiary, may mga tagasuportang sumalubong sa kanya sa gate ng kulungan na sumisigaw ng “we love Duterte,” at bring him back.”
- Sinalubong si Duterte sa Netherlands ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas duon at binigyan siya ng Consular Assistance
- Kasama ni Duterte sa kanyang flight mula sa Manila si Dating Executive Secretary Salvador Medialdea, isang nurse at isang personal assistant.
LISTEN TO

'Okay ako, don't worry' Dating Pangulo Rodrigo Duterte mula sa ICC detention
SBS Filipino
07:30
Sa Manila, naghain si Davao City First District Representative Paolo Duterte, ang anak ng dating Pangulo, ng petisyon sa Korte Suprema, kaugnay sa pag-aresto sa kanyang ama.
Ito ay ang petition for Writ of Habeas Corpus.
Hiniling ng Kongresista sa Korte Suprema na mag-isyu ng temporary restraining order sa umano’y pakikipagtulungan ng pamahalaan sa International Criminal Court (ICC) at Interpol para sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pumirma sa petisyon bilang abogado si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Sa panig naman ng Administrasyong Marcos, iginiit ng Department of Justice na isandaang porsyentong ligal ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, nasunod ang rules and protocols nang ipa-aresto si Duterte.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.