Key Points
- Kahit nag-migrate na sa Australia, marami pa ring Pilipino ang sumusunod sa mga tradisyon ng Holy Week, ngunit nag-iba na kumpara sa striktong tradisyon ng Mahal na Araw sa Pilipinas.
- Kinaugalian ng mga Pilipino ang hindi pagkain ng karne tuwing Biyernes Santo. Ang tipikal na hinahain ay munggo, isda, chopsuey o sinabawang gulay gaya ng dinengdeng, laswa, o law-uy.
- Pagdating sa meryenda, hindi nawawala ang guinataang bilo-bilo. Sa mga nagdarasal sa Good Friday, uso sa mga Pilipino ang pagluto at pagkain ng vegetarian na guinataang halo-halo o bilo-bilo, na kilala din sa pangalang binignit o dinuldog sa Visayas region. Sa Pilipinas, marami pa din ang nagluluto nito para pagsaluhan pagkatapos magdasal kasama ang mga ka-barangay o miyembro ng komunidad.
*Kwentong Palayok is SBS Filipino’s podcast series focused on Filipino food, its origins and history, and its evolution both in the homeland and Australia.
Ano ang mahalaga sa pagdiwang ng Holy Week sa mga katolikong Pilipino? Importante pa din na sundin ang mga tradisyon, kahit na mga ito ay nagbago para matugunan ang pagiging isang migrante sa Australia.
LISTEN TO THE PODCAST

Kwentong Palayok: Mga pagkain kapag Semana Santa
12:22