Philippine National Police nasa heightened alert sa simula ng kampaniya para lokal na pwesto

RPI-Philippine-National-Police-PNP-Area-Police-Command-–-Western-Mindanao-ang-Special-Task-Force-Bangsamoro-Autnomous-Region-in-Muslim-Mindanao (1).jpg

PNP activates Special Task Force-BARMM for secure 2025 mid-term elections Credit: PNP-PIO

Nagsimula ngayon ika-28 ng Marso ang pangangampanya para sa local elections.


Key Points
  • Namatay sa pamamaril ang isang Election Officer at ang kanyang mister na in-ambush sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte.
  • Sinabi rin ni COMELEC Chairman George Garcia na irerekomenda niya sa COMELEC En Banc na isailalim ang bayan ng Datu Odin Sinsuat sa kontrol ng Komisyon.
  • Dadagdagan din ang mga pulis, sundalo at checkpoint sa lugar.

LISTEN TO
esca  28 march image

Philippine National Police nasa heightened alert sa simula ng kampaniya para lokal na pwesto

SBS Filipino

28/03/202509:03
Sa ibang balita, sa bantang zero remittance week ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Europa bilang protesta sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng ekonomistang si Michael Ricafort na maliit lamang ang magiging epekto nito, sakaling matuloy.

Paliwanag ni Ricafort, hindi gaanong kalakihan ang share ng total remittances mula sa Europa kung ikukumpara sa Amerika at sa ibang bansa.

Samantala, sa ika-walumpung kaarawan ng dating Pangulo Duterte ngayong araw, March 28, naruon na sa the Hague ang kanyang common law partner na si Honeylet Avanceña at ang kanilang anak na si Veronica Duterte

Bibisita rin duon ang ina ni Vice President Sara Duterte at asawa ng dating pangulo na si Elizabeth Zimmerman.

May mga paghahanda rin ang mga taga-Davao city at Cebu sa kaarawan ng dating pangulo

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share