Key Points
- Ang mag-asawang Jhumar at Kryzel Robles ay mula Dumingag, Zamboanga Del Sur dumating sila sa Australia Mayo 2023 bilang mga international student.
- Bote ang unang koleksyon ni Jhumar para sa extra income at ang sunod ay laruan dahil wala itong laruan noong kanyang kabataan at gusto nitong mapasaya ang ibang bata.
- Ang mga laruan, educational materials at damit pambata ay libreng ipinamigay ng mga kababayan at ibang lahi sa estado ng Victoria sa Australia, benepisyaryo nila ang mga daycare centres at liblib na eskwelahan sa Pilipinas.
Dahil sa kagustuhang makagawa ng tama at magpasaya ng mga kabataan, naging seryoso sa pangongolekta ng mga laruan, educational materials at damit na pambata sa estado ng Victoria, Australia nitong Enero 2025 ang 38 taong gulang na si Jhumar Robles o mas kilalang si Nokie kasama ang asawang si Kryzel.
![Jhumar aka Nokie Robles profession in Australia.jpg](https://images.sbs.com.au/bf/48/826993eb4618b24982f53f3b26aa/jhumar-aka-nokie-robles-profession-in-australia.jpg?imwidth=1280)
Juggling multiple roles—Jhumar (Nokie Robles) makes the most of his time as a Carpentry student, photo editor, and photographer in Australia, all while collecting bottles and toys to give back to kids in need in the Philippines.
Si Jhumar carpentry ang kinuhang kurso habang healthcare naman ang asawang si Kryzel.
Kwento nito mas na-enganyo umano siyang mangolekta ng mga larun dahil nasasayangan at sa kanyang personal na karanasan.
"Dati wala ako nito, siguro kung sa panahon ko ito ang saya ko kaya tumatak talaga sa isip ko na ipamigay ko ito sa mga batang nangangarap man lang na may laruang ganito sa Pilipinas," dagdag pagbahagi ni Jhumar.
Para may extra income, nangongolekta din ng bote na may 10 cents para sa Return and Earn si Nokie para panggastos padala sa mga laruan at gamit sa mga bata sa Pilipinas.
![Robles collecting toys and bottles.jpg](https://images.sbs.com.au/de/e8/5131738a48aab07eaedd89958e13/robles-collecting-toys-and-bottles.jpg?imwidth=1280)
Balancing school and work, Jhumar Robles tirelessly collects bottles, toys, and other essentials across Victoria, Australia, to brighten the lives of children in the Philippines. Jhumar Robles FB
![Project Toys for Kids.jpg](https://images.sbs.com.au/b1/b4/f686ee61425ebfd545e0e1dc747c/project-toys-for-kids.jpg?imwidth=1280)
Jhumar's call for donations on social media sparked a wave of generosity, with more people offering used/new toys and children's items to help those in need. Credit: Jhumar Robles
Umaasa ang mag-asawang Robles at kanilang mga donors na higit pa sa materyal na bagay ang kanilang mai-ambag sa buhay ng mga munting batang itinuring na pag-asa ng bayan sa Pilipinas.