Key Points
- Ang Parental Leave Pay sa Australia ay nag-aalok ng hanggang 22 linggong bayad para sa mga kwalipikadong magulang na nag-aalaga ng newborn o adopted.
- Para maging eligible, kailangang matugunan ang mga requirements sa trabaho, kita, at residency.
- Mula Hulyo 2025, tataas ang Parental Leave Pay sa 24 weeks at magkakaroon na ng mga kontribusyon sa superannuation. Mula Hulyo 2026, magiging 26 weeks na ito.
- May ilang employer din na nag-aalok ng karagdagang parental leave payments, pero may iba-ibang kondisyon.
Ang pagdating ng isang bata sa pamilya ay isang espesyal at nakaka-excite na panahon, pero maaari rin itong magdulot ng financial stress.
ay isang bayad mula sa gobyerno ng Australia na tumutulong sa mga pamilya na magpahinga sa trabaho para alagaan ang bagong silang o bagong ampon na anak na wala pang dalawang taon. Pwedeng paghatian ito ng mag-asawa o mag-partner.
Sa ngayon, binabayaran ito ng hanggang 22 linggo. Mula Hulyo 2025, tataas ito sa 24 weeks, at mula Hulyo 2026, magiging 26 weeks na. Mula Hulyo 2025, .
kada limang araw ng trabaho sa isang linggo, batay sa national minimum wage.

Credit: Maskot/Getty Images/Maskot
Kwalipikado ba ako sa Parental leave pay?
Para maging kwalifikado sa Parental Leave Pay, kailangan ikaw ang pangunahing tagapag-alaga ng anak o primary caregiver at pasado sa work at income test.
Kailangan mong magkaroon ng at least 330 oras ng trabaho sa
loob ng 10 buwan bago ang panganganak o pag-aampon. Dapat din ay ang iyong taxable income ay hindi tataas sa $175,788.
Kailangan mong nanirahan sa Australia ng dalawang taon bago ang panganganak o pag-aampon ng anak. Hindi kasama ang mga panahong ginugol sa ibang bansa sa bilang ng mga taon na ito.
Available din ang Parental Leave Pay .

Asian Chinese young father feeding his baby boy son with milk bottle at living room during weekend Credit: Edwin Tan /Getty Images
Paano mag-claim ng Parental Leave Pay
I-check ang iyong eligibility sa , at mag-apply online sa pamamgitan ng Centrelink gamit ang
Para sa karagdagang suporta, may sa website ng Services Australia, at maaari ring tawagan ang multilingual call center ng Centrelink sa 131 202.
Parental leave payments sa pamamagitan ng iyong employer
Sa Australia, . Ito ay hiwalay o independent sa Parental Leave Pay scheme ng gobyerno.
Magkaiba ang mga patakaran at kwalipikasyon, kaya mahalagang magtanong sa iyong employer at tingnan ang iyong enterprise agreement. Maari ding magbigay ng payo ang mga organisasyon tulad ng
Ang mga empleyadong nagtrabaho na sa kanilang employer ng at least 12 buwan ay may karapatan sa , na tinitiyak na ang kanilang posisyon ay mapapanatili ng hanggang 12 buwan.

Credit: Johner Images/Getty Images/Johner RF
Bakit mahalaga ang parental leave payments?
Ayon kay Dr Adele Murdolo, CEO ng Multicultural Centre for Women's Health, habang palalawigin pa ang Parental Leave Pay scheme sa Australia, naniniwala ang mga eksperto na ito ay may malaking maitutulong sa komunidad, hindi lang sa pagbibigay-ginhawa sa mga kababaihan habang nag-aalaga ng anak at pati na rin sa ibang mga magulang, kundi pati na rin sa malaking kontribusyon sa pangangalaga ng mga bata.
“There’s a lot of research that shows the economic benefits of paid parental leave schemes, but there are also a whole host of social benefits for the community of having happy and healthy parents, and happy and healthy children.”
Mag-subscribe o I-follow ang Australia Explained podcast para sa higit pang mahalagang impormasyon at tips tungkol sa pagsisimula sa bagong buhay sa Australia.