Pakinggan ang audio
LISTEN TO

Think carefully before you call Triple Zero
SBS Filipino
08:20
Triple zero (000) ang national emergency service number sa Australia. Ito ang numero na tinatawagan kung kinakailangan ng ambulansya, serbisyo ng bombero o mga pulis sa panahon ng kagipitan o kapag nanganganib ang iyong buhay.
Ayon sa Emergency Services Telecommunications Authority o ESTA, sa taong 2019 hanggang 2020 umabot sa higit 7,600 ang tawag na kanilang natanggap sa loob ng isang araw o isang tawag kada labing-isang segundo.
Highlights
- Tumawag sa Triple Zero (000) sa panahon ng kagipitan na nangangailangan ng agarang aksyon o emergency
- Kontakin Police Assistance Line (131 444) para sa mga insidenteng hindi kailangan ng agarang aksyon
- I-download at gamitin ang mobile app para mas madaling matukoy ang eksaktong lokasyon ng humihingi ng saklolo
Saad ni Senior Sergeant Kristy Walters, ang direktor ng PoliceLink sa New South Wales Police, maaring makatulong ang mga residente na mabawasan ang dagsa ng tawag sa Triple Zero.
Sa pamamagitan ng paggamit lang ng numerong ito sa panahon lamang ng emergency. At sa halip ay tumawag sa Police Assistance Line sa 131 444 para sa mga non-urgent na insidente o kung hindi kinakailangan ng agarang aksyon.
Kung ang kausap namin sa linya ay non-urgent ang insidente, ibig sabihin hindi makakapasok ang tawag ng may emergency. Kaya gusto naming ipaalam na may ibang linya ng telepono na pwede nilang kontakin para sa 'non-ugent' na insidente.
Sa huli may pahabol na paalala si Acting Sergeant Fish sa lahat ng mga nandito sa Australia, pag-isipang mabuti bago tumawag sa Triple Zero.
Kung maaari na panatilihing gamitin lang sa emergency o insidente na kailangan ng agarang respondi ang Triple Zero, maraming buhay ang mailigtas.
Kapag hindi sigurado na emergency ang nangyaring insidente tumawag sa 131 444 at mismong operator ang tutulong at gagawa ng desisyon para sayo.
Para sa serbisyong tagasalin ng wika o interpreter, tumawag sa 131 450.
Para bigyang saklolo ang biktima ng domestic violence, tumawag sa 1800RESPECT (1800 737 732)
ALSO READ/LISTEN TO