Trending Ngayon: Easter, pelikulang 'A Journey', at Pilipinas pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Asia

Trending_A Journey_PH 2nd happiest country_Easter.jpg

Trending Ngayon: #Easter and #HappyEaster are viral topics on X; Filipino movie enthusiasts can't wait for the Netflix film 'A Journey' to be shown, and the Philippines is the second happiest country in Southeast Asia. Credit: Netflix (Facebook), Reynante Lacbain/Krisia (Pexels), A.Violata

Sa Trending Ngayon ng SBS Filipino, viral ang #Easter at #HappyEaster online, pinaka-pinag-uusapan sa buong mundo, ipapalabas na 'A Journey' ng Netflix inaabangan na ng milyon-milyong Pilipino, at Pilipinas pangalawa sa pinakamasayang bansa sa Southeast Asia.


Key Points
  • Sa mahigit 1.2 milyong tweet sa buong mundo ngayong Linggo lamang, ang #Easter at #HappyEaster ang pinaka-viral na paksa online. Nasa top 2 rin ito ng pinag-uusapan ng mga netizens sa Pilipinas at Australia.
  • Inaasahan na marami ang luluha kapag napanood nila ang pelikulang 'A Journey' sa Netflix, na pinagbibidahan nina Paolo Contis, Patrick Garcia, at Kaye Abad. Isa ang Tasmania Australia s mga tampok na lokasyon sa pelikula.
  • Pilipinas ang pangalawang pinakamasayang bansa sa Timog-silangang Asya, at ika-53 sa mundo, tumaas ito mula sa ika-76 na puwesto noong nakaraang taon, ayon sa taunang World Happiness Report ng University of Oxford’s Wellbeing Research Center ng United Kingdom.

Share