Highlights
- Maraming mga frontline workers sa Australia ang nakakaranas ng 'burnout' o matinding pagkapagod sa pagta-trabaho dahil sa mabilis na pagtaas ng mga COVID-cases sa bansa.
- Itinaas ng Ambulance Victoria ang ikalawang “code red” alert nitong linggo.
- Naglaan ang Pamahalaang Victoria ng $4 milyon na grant program para sa after hours na pagbabakuna ng mga pharmacists at mga GP sa mga paaralan.
Nitong linggo, itinaas ang ikalawang Code Red alert sa Ambulance Victoria. At sa South Australia, ipinasara ang mga testing sites dahil sa tindi ng init ng panahon.