Makukulay na disenyo ni Armando: Dala ang pagka-Pilipino, hangad isulong ang mga kalalakihan

Armando Crisostomo

Armando (left) on his colourful designs: 'Men shouldn’t be scared to wear whatever they want. Men shouldn’t be judged by colours of clothes they wear.' Source: Supplied by Armando Crisostomo

Ipinagmamalaking iwinawagay ng designer mula kanlurang Sydney na si Armando Crisostomo ang kanyang pagka-Pilipino sa kanyang mga disensyo habang itinataguyod nito ang mga kalalakihan.


Highlights
  • Hindi maikakaila ang pagka-Pilipino ni Armando Crisostomo sa makukulay na mga disenyo nito.
  • Sa hilig nito sa fashion design, hangad niya na maalis ang pagkakaroon ng stereotype sa ating mga isinusuot.
  • Malaki ang industriya ng fashion sa Australia, mahigit $27.2 bilyon ang nai-ambag nito sa ekonomiya ng bansa noong 2020-2021.
Pakinggan ang audio

LISTEN TO
‘Wear whatever you want’: Western Sydney designer on breaking gender stereotypes in fashion image

Makukulay na disenyo ni Armando: Dala ang pagka-Pilipino, hangad isulong ang mga kalalakihan

SBS Filipino

04/06/202218:23
Armando Crisostomo
'I thought that I should make a brand that will empower all men and that they should not be afraid to wear clothes that they want. Men can wear whatever makes them feel comfortable.' Source: Supplied by Armando Crisostomo

Nasa pagdidisenyo ang hilig

"I didn’t really tell them that I wanted fashion design. Naka-enrol na ako noon at nalaman lang nila na nag-aaral na ako after few weeks," simula ng nakikilalang designer mula kanlurang Sydney.

Apat na magkakaibang kurso muna ang sinubukang pasukin ni Armando Crisostomo bago nito nahanap ang tunay na magpapasaya sa kanya – ang fashion designing.

Una nitong sinubukan na mag-nursing dahil sa ang dalawang nakatatandang kapatid nito at ilang mga pinsan ay mga nurse.

"I tried to apply for graphic design but I didn’t get into it, then I got into nursing. I followed what parents wanted me to do but I didn’t really like it. I only had one year left but then I left and did IT. I didn’t like it either. I did business for 6 months and didn’t really like it. Finally, I did something I like which is fashion design," natutuwa nitong binalikan.

Para sa maraming pamilyang Pilipino, karaniwan na himukin ng mga magulang ang mga anak na kumuha ng kurso na sa tingin nila ay in-demand o magbibigay ng maayos na trabaho, gaya na lamang ng nursing. Ganito ang unang nangyari kay Armando bago nito tuluyang pinasok ang fashion designing.

Pero dahil bata pa ay hilig na talaga nito ang mag-drawing, pinanindigan nito ang fashion designing at nakapagtapos sa kanyang kurso noong 2018.

“For our [Filipino] culture, it’s very important to study and finish something. That’s why I’m so happy that I was able to finish [fashion design]. My heart is full that I have done something for myself.”

Mula pag-graduate ni Armando, minsan na itong nakapanayam ng Vogue Australia; isa din siya sa mga nag-disenyo ng national costume para sa Miss Earth Australia 2020 at 2021 at nakasama na rin sa ilang fashion show sa Sydney.
Armando Crisostomo
'Crop tops, colourful dresses - they bring me joy. It feels like I’m back home doing colourful things.' Source: Stephen Phan (right photo)/Supplied by Armando Crisostomo

Disenyong Pilipino, hangad magpalakas sa mga kalalakihan

"Gusto kong maging inspirasyon sa mga kalalakihan na pwede nilang suotin kung anumang kulay na gusto nila."

Binuo ni Armando Crisostomo ang sarili nitong clothing line, ang 'Armando' na hangad na maitaguyod ang mga kalalakihan at ang paniniwala na walang sinuman ang dapat na nahuhusgahan dahil sa kulay o disenyo ng damit na kanilang suot.

"Para sa ibang tao, kapag lalaki ka and you wear something that is colourful or something that is full of accessories, they will judge you; they will think differently of you," ani Armando.

"I thought that I should make a brand that will empower all men and that they should not be afraid to wear clothes that they want."

"I do crop tops, colourful clothing for men – it brings me joy. It feels like I’m back home doing colourful things."

Hangad ng bagong designer mula kanlurang Sydney na maging inspirasyon sa lahat, lalo na ng mga kalalakihan na magsuot ng kahit anong damit na komportable sila.

"Men can wear whatever makes them comfortable as it is really up to you or your personality."

Bukod sa makukulay na disensyo, makikita rin sa mga damit na gawa ni Armando ang pagka-Pilipino nito.

"During the pandemic, we couldn’t go back to the Philippines. Kaya 'yung mga damit at designs na gawa ko based sa Pilipinas ang kulay at mga disenyo."

Malaking bahagi ng mga disenyo ni Armando ang kanyang pagiging Pilipino. Marami sa mga kulay nito ay hango sa mga natatanging kulay at pagkakakilanlan sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas gaya na lang ng mga banderitas kapag may kapistahan at mga kasuotan ng mga Igorot.
Armando Crisostomo
Armando features his Filipino culture through his designs' colours and prints, including prints of Philippine street foods (right photo) and Igorot costume-inspired clothes (left photo). Source: Stephen Phan as supplied by Armando Crisostomo
Natatangi din ang mga disenyo ni Armando kung saan naka-tatak sa mga damit ang mga karaniwang nakikita sa mga kalsada sa Pilipinas, gaya ng jeepney at mga street food tulad ng balut.

“My thought was because we couldn’t travel back to the Philippines why not bring the Filipino foods here and have them printed on my clothes.”

Natatangi din ang mga disenyo ni Armando kung saan naka-tatak sa mga damit ang mga karaniwang nakikita sa mga kalsada sa Pilipinas, gaya ng jeepney at mga street food tulad ng balut.

“I also collaborated with some Filipino graphic designers when I did these street food prints and designs. In a way I can also promote other Filipino artists through my clothing."

Suporta sa mga lokal artist

Isa si Armando sa mga piling designer mula sa Kanlurang Sydney na kasama sa Western Sydney Fashion Festival nitong Hunyo 4 sa Blacktown Arts Centre sa New South Wales.

Irarampa sa naturang event ang mga gawa at disensyo ng mga local designers tulad ni Armando bilang pagdiriwang ng mayaman at magkakaibang kultura na mayroon ang kanlurang Sydney.
Armando Crisostomo
Armando's design pieces are on display at the Fairfield City Museum & Gallery as part of the 'Who Are You Wearing' Exhibition until September 24, 2022. The exhibit provides a platform for future forward western Sydney fashion designers. Source: Liza Moscatelli/Fairfield City Museum & Gallery
Kasalukuyan ding naka-display ang ilan sa mga gawa ni Armando sa Fairfield City Museum & Gallery sa Fairfield, NSW bilang bahagi ng “Who Are You Wearing” Exhibition. Bukas ito mula Abril 29 – Setyembre 24, 2022.

Para sa mga katulad ni Armando na designer, malaking suporta sa kanila ang mga ganitong eksibisyon at palabas dahil naipapakita nila ang kanilang mga gawa sa lokal na komunidad.

Malaking industriya ang fashion sa Australia, mahigit $27.2 bilyon ang nai-ambag nito sa ekonomiya ng bansa sa taong 2020-2021 lamang ayon sa ulat ng Australian Fashion Council noong nakaraang taon.

Bawat taon, ang mga Australiano ay bumibili ng average na 27kg ng mga bagong damit. Bagaman malaking bilang din ang naitatapon lamang.

Kaya naman payo ni Armando, "pwede namang paulit-ulit ang ating mga damit, matuto lang tayong mag-mix and match.” Isa ito aniyang paraan para makatulong tayo na mabawasan ang mga ibinabasurang damit taon-taon.

“Don’t be scared repeating your clothes. There’s nothing wrong with it. Just learn to do different styles.”

Sa mga katulad naman niyang designer, dapat aniya na maging maalam sa klase ng tela at mga materyales na ginagamit.

“We just have to be knowledgeable about what kind of fabric we are going to use and that we choose to be sustainable.”

Halos 800,000 na tonelada ng damit ang naaaksaya kada taon sa Australia at kung matuto tayo na mag-iba-iba lamang ng pagpapareho ng ating mga isinusuot malaki ang maitutulong nito.



Share