Nangangamba ang ilang medical experts na hindi makakapagbigay ang Australia ng eksaktong impormasyon sa bilang ng COVID-19 cases sa taong ito, nagbabala na ang lumalabas na ulat sa pang-araw-araw na bilang ng mga kaso ay hindi nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng coronavirus dahil sa maraming tao ang ngayo’y gumagamit ng rapid antigen tests para sa pagsusuri.
Highlight
- Aktuwal na bilang ng mga bagong COVID-19 cases maaaring 5 hanggang 10 beses na mas mataas kaya sa mga naiuulat.
- Dahilan ng mas mababang bilang ng kaso: Asymptomatic infection, mas kaunti ang nagpapasuri dahil umiiwas sa mahabang pila sa mga testing sites at mga nagpositibo sa rapid antigen test hindi naiuulat ng tama.
- Mga pagbabago sa COVID-guidelines, sinimulang ipatupad kasama ang hindi na kailangang magpa-PCR test ang sinuman na nagpositibo sa rapid antigen test.