Ang kahalagahan ng pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng kultura ng mga Indigenous people o katutubo sa Australia

Portrait of three generation Aboriginal family

Portrait of three generation Aboriginal family Credit: JohnnyGreig/Getty Images

Ang pag-unawa sa pagkakaiba-iba sa loob ng mga First Nations ng Australia ay mahalaga kapag nakikipag-ugnayan sa mga katutubo at mga taong Indigenous mula sa Torres Strait Islander at sa pagpapalalim ng mga relasyon.


Key Points
  • Ang mga katutubong mamamayan ng Australia ay hindi iisang homogenous group.
  • May mga 500 Nations, bawat isa ay may iba't ibang kultura, wika, pamumuhay, at mga istraktura ng ugnayan sa pamilya.
  • Ang pag-unawa sa pagkakaiba-iba na ito ay mahalaga sa pagpapalago ng makabuluhang mga relasyon sa mga Indigenous peoples.
Ang maraming pagkakaiba-iba ng mga Indigenous people ng ng Australia ay isang nakakaakit na aspeto, na sumasalungat sa pangkaraniwang maling akala na lahat ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander ay nabibilang sa iisang homogeneous group.

Ang mga katutubong mamamayan ay nagpapakita ng isang mosaic ng mga kultura, wika, pamumuhay, at mga istraktura ng ugnayan sa pamilya.

Isa sa pinakamahusay na paraan upang masaklaw ang pagkakaiba-iba na ito ay ang pagtingin sa I, paliwanag ni Aunty Munya Andrews, Aboriginal elder mula sa Bardi Country sa rehiyon ng Kimberley sa Western Australia.

"Iniimbitahan namin ang mga tao na tingnan ito dahil may mga 500 na Nations na nasa mapa na iyon. Bawat Bansa ay may sariling wika o nagse-share ng iisang wika sa isa pang Nation."

_Carla-and-Aunty-Munya.jpg
Carla Rogers (left) and Aunty Munya Andrews (right), Evolve Communities Credit: Evolve Communities
May higit sa 250 mga wika ng mga Indigenous languages, kasama ang 800 mga diyalekto, at ang kanilang kultura, paraan ng pamumuhay, at mga istraktura sa ugnayan sa pamilya ay nagkakaiba sa buong mga Naions - pati na rin sa sining, idinagdag ni Aunty Munya.

"Sa simpleng pagtingin ko lang sa sining ng mga Aboriginal, alam ko kaagad kung saang lugar ng Australia ito nagmula. Ganun kahalaga. Karamihan sa mga tao ay nag-uugnay ng dot painting sa kultura ng mga Aboriginal, ngunit iyon ay para lamang sa isa sa mga Nation.

"Kapag tiningnan mo ang mga Bardi people, ang aking mga kababayan, kami ay mga saltwater people, ang aming sining ay napakalapit sa ibang mga islanders sa buong mundo na nagpapakita ng mga geometric na painting na kumakatawan sa mga alon at hindi ito dot painting sa lahat," sabi niya.

Si Aunty Munya, isang may-akda, abogado, at co-director ng Evolve Communities, ay nagsasabing dapat maintindihan ng mga tao na ‘one size does not fit all’ kapag nakikipag-ugnay sa mga Indigenous people..

Ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapakita ng respeto para sa mga kaugalian at tradisyon ng isang komunidad, na nagpapahintulot sa iyo na makabuo ng mas makabuluhang mga relasyon.

Si Carla Rogers ay isang kaalyado ng mga Indigenous Australians na kasama si Aunty Munya sa trabaho. Idinagdag niya na ang kaalaman ay mahalaga upang maunawaan ang ibinabahaging kasaysayan ng Australia at kung bakit may mga agwat sa pagitan ng mga Indigenous at non-Idigenous Australians hanggang sa ngayon.

"Noong unang sinakop ang Australia at ngayon patuloy pa rin, ito ang kakulangan ng kamalayan sa diversity na ito na naging ugat ng ating problema. Marami sa mga problema natin ngayon [ay dahil sa] pagtingin sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples bilang isang homogenous na grupo at hindi pag-aknowledge sa malaking kaibahan."

Ang Australia ay multicultural

Ang mga katutubo o Indigenous people ay "eksperto" sa multiculturalism, sabi ni Aunty Munya.

"Ang aking mga kababayan ay nakikipag-ugnayan sa multiculturalism sa loob ng libu-libong taon. Natutunan namin ang pakikisalamuha sa iba't ibang mga grupo ng Aboriginal groups , natutunan naming magsalita ng ilang mga iba't ibang wika," paliwanag niya.

Mahalaga na kilalanin ang mga indibidwal tulad ni Dr. Mariko Smith, na mayroong pinagmulang Indigenous at cultural heritage, na nagpapayaman sa pagkakaiba-iba ng mga First Australians.

Ang kanyang ama ay mula sa Yuin Nation, sa south coast ng New South Wales, samantalang ang kanyang ina ay mula sa Kokura sa Kyushu, Japan.

"May ilan na nag-aakala na dahil sa aking Hapones at Aborigine na pinagmulan ay mula ako sa hilagang bahagi at hilagang-kanlurang Australya, kung saan may industriya ng pag-aararo ng mga perlas mula sa Hapon," sabi niya.

"Ngunit nagkakilala ang aking mga magulang sa isang coffee shop sa Kyushu nang maglakbay ang aking ama sa paligid ng Japan. Nagpakasal sila sa Japan at dinala niya siya sa Australia."

Noong lumalaki siya, naranasan ni Dr. Smith ang maraming "racial slurs" dahil sa kanyang anyong Asyano ngunit sinasabi niyang ang mga komentong iyon ay umabot sa "next level" nang malaman ng mga tao na siya rin ay Aboriginal.

Unsettled_Weekend
Dr Mariko Smith Credit: Anna Kucera Credit: Anna Kucera/Anna Kucera
Dahil sa mga stereotype at makitid na pananaw na mayroon ang mga tao tungkol sa mga Aboriginal, tulad ng kulay ng balat o antas ng sibilisasyon, na natutunan mula sa nakasulat na kasaysayan, ipinaliwanag ni Dr. Smith.

"Maaaring isipin ng mga tao na hindi pa nila nakilala ang isang Aboriginal sa kanilang buhay noon, ngunit malamang na nagkaroon na sila, ito'y dahil hindi ito nagpapatunay sa mga stereotype at kaisipan ng mga tao."

Sinabi ni Dr. Smith na ang kasalukuyang Australia, na multicultural, ay dapat kilalanin at yakapin ang pagkakaiba-iba sa loob ng populasyon ng mga katutubo upang maging tunay na kasali o kasama.

"Kung iniisip mo ang mga Aborihinal na may napakasimpleng paraan, mayroon ka lamang talagang simpleng mga solusyon. Ito ay napakakomplikado, magkakaiba, at konsepto na nangangailangan ng kumprehensibo at magkakaibang mga solusyon, pati na rin ang pag-iisip."

Ipinaliwanag ni Carla Rogers na maaaring magkamali ang mga tao kapag ang hindi katutubong mga tao ay hindi nauunawaan ang ganitong kaibahan.

"Maaari tayong magsabi ng isang bagay na maaaring napakasakit, isang bagay na maaaring potensyal na racist. Ito ay isang balakid sa pag-unawa."

Thirteen Aboriginal and Torres Strait Islander people from across Australia taking part in the inaugural Mob in Fashion initiative.
Thirteen Aboriginal and Torres Strait Islander people from across Australia are taking part in the inaugural Mob in Fashion initiative. Credit: Thirteen Aboriginal and Torres Strait Islander people from across Australia are taking part in the inaugural Mob in Fashion initiative.

Saan tayo maaaring matuto ng higit pa tungkol sa pagkakaiba-iba ng mga katutuob?

Tulad ng paglalakbay sa Europa, simulan sa mapa, kilalanin ang bansa kung saan ka naroroon, at alamin ang tungkol sa kanyang kultura.

“Kung ikaw ay maglalakbay ng higit sa dalawang oras, sabihin natin mula sa Sydney, malamang na dadaan ka sa iba't ibang mga Nations,” sabi ni Rogers.

Upang makakuha ng mas malalim na kaalaman sa bansa, kasama na ang mga traditional owners at kasaysayan nito, ang Land Council at mga lokal na konseho ay magandang simula.

Sinabi ni Aunty Munya na ito ay tungkol sa "pag-aaral sa sarili".

"Matuto hangga't maaari, makilahok, lalo na sa mga First Nations peoples. Hindi kailangan matakot, magpakilala lamang, sumali sa mga kaganapan ng komunidad."

Ito ay tungkol sa pagiging tapang na gumawa ng hakbang upang makilala ang mga First Nations.

Share